Healthy Airport Ordinance (HAO)
Ang Healthy Airport Ordinance (HAO), isang susogsa Health Care Accountability Ordinance, ay batas sa San Francisco na nag-aatas sa Mga Saklaw na Employer sa San Francisco International Airport na magbigay sa empleyado ng QSP ng libreng pangakalusugang insurance na tumutugon sa mga kinakailangan sa pagsunod, o na magbayad ng partikular na halaga sa ngalan ng empleyado sa SF City Option.
Ang Healthy Airport Ordinance ay isang susogsa Health Care Accountability
Ordinance (HCAO), ngunit nalalapat lang ito sa mga empleyadong saklaw ng Quality Standards Program (QSP) ng SFO, na pinagtibay ng San Francisco Airport Commission. Maaaring makipag-ugnayan ang mga employer sa Office of Social Responsibility and Community Sustainability ng SFO sa 1(650) 821-1003 o qsp@flysfo.com upang matukoy kung mayroon silang mga empleyadong saklaw ng QSP.
Ang mga employer na pipiliing sumunod sa Pagsususog sa pamamagitan ng pagbibigay ng natukoy na kontribusyon sa ngalan ng saklaw na empleyado sa Programang City Option ay dapat na gawin ang mga kontribusyong ito sa Programang SF City Option bago ang ika-15 na araw ng bawat buwan para sa mga oras ng pagtatrabaho ng nakaraang buwan.
Sa ilalim ng Healthy Airport Ordinance, kapag natanggap at naproseso ng SF City Option ang kontribusyon ng employer para sa isang empleyado, maaaring magpatala ang empleyado sa programang SF MRA at matanggap ang kanyang benepisyo.
Health Care Security Ordinance (HCSO)
Ang Health Care Security Ordinance ay isang batas sa San Francisco na inaatasan ang Mga Saklaw na Employer na:
- Tumugon sa Employer Spending Requirement sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga paggastos sa pangangalagang pangkalusugan sa ngalan ng Mga Saklaw na Empleyado;
- Magpanatili ng mga sapat na rekord para magpakita ng pagsunod sa Employer Spending Requirement;
- Magpaskil ng Abiso sa HCSO sa mga lugar kung saan nagtatrabaho ang Mga Saklaw na Empleyado; at
- Isumite ang Taunang Form ng Pag-ulat sa Office of Labor Standards Enforcement bago ang Abril 30 ng bawat taon.
Ang HCSO ay ipinapatupad ng Office of Labor Standards Enforcement. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa HCSO, pakibisita ang website ng Office of Labor Standards Enforcement. Upang makipag-ugnayan sa Office of Labor Standards Enforcement para sa mga partikular na tanong, mangyaring i-email ang HCSO@sfgov.org o tumawag sa 1(415) 554-7892.
Ang employer ay saklaw ng HCSO kung ito ay:
- Isang for-profit na negosyong may 20 o higit pang empleyado sa buong mundo, o isang non-profit na negosyong may 50 o higit pang empleyado sa buong mundo;
- at may mga empleyadong nagtatrabaho sa San Francisco.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Mga Saklaw na Employer sa ilalim ng HCSO, pakibisita ang website ng Office of Labor Standards Enforcement. Upang makipag-ugnayan sa Office of Labor Standards Enforcement para sa mga partikular na tanong, mangyaring i-email ang HCSO@sfgov.org o tumawag sa 1(415) 554-7892.
Sa ilang mga eksepsyon, ang isang empleyado ay saklaw ng Health Care Security Ordinance kung ang empleyado ay nagtatrabaho para sa employer na saklaw ng HCSO at:
- Karapat-dapat na bayaran ng minimum na sahod
- Nagtrabaho para sa Employer nang hindi bababa sa 90 araw sa kalendaryo; at
- Nagtatrabaho nang hindi bababa sa 8 oras kada linggo sa San Francisco.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Mga Saklaw na Empleyado sa ilalim ng HCSO, pakibisita ang website ng Office of Labor Standards Enforcement. Upang makipag-ugnayan sa Office of Labor Standards Enforcement para sa mga partikular na tanong, mangyaring i-email ang HCSO@sfgov.org o tumawag sa 1(415) 554-7892.
Tinutukoy ang minimum na halaga ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan para sa bawat empleyado kada quarter sa pamamagitan ng pag-multiply ng kabuuang bilang ng mga oras na ibinayad sa empleyado sa rate ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan na naaangkop sa inyong kumpanya o organisasyon. Kasama sa “mga bayad na oras” ang mga oras na nagtrabaho sa San Francisco ang Empleyado at anumang bayad na time off, kasama ang bakasyon at mga araw na may sakit, na ginamit ng Empleyado.
Para makita ang rate ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan na naaangkop sa inyong kumpanya o organisasyon, pakibisita ang website ng Office of Labor Standards Enforcement. Upang makipag-ugnayan sa Office of Labor Standards Enforcement para sa mga partikular na tanong tungkol sa pagkakalkula ng mga halaga ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan, mangyaring i-email ang HCSO@sfgov.org o tumawag sa 1(415) 554-7892.
Iniaatas ng Health Care Security Ordinance na gawin ang mga paggastos sa pangangalagang pangkalusugan nang kahit man lang kada quarter, sa loob ng 30 araw pagkalipas ng katapusan ng nakaraang quarter.
Maaaring sumunod ang mga employer sa Employer Spending Requirement ng HCSO sa pamamagitan ng iba’t ibang opsyon, kasama ang:
- Mga pagbabayad para sa insurance sa kalusugan, ngipin, at/o paningin;
- Mga pagbabayad sa mga health savings/reimbursement account;
- Mga pagbabayad sa Programang City Option
Ang lahat ng tanong tungkol sa Taunang Form ng Pag-ulat ay dapat idirekta sa Office of Labor Standards Enforcement. Upang makipag-ugnayan sa Office of Labor Standards Enforcement, mangyaring i-email ang HCSO@sfgov.org o tumawag sa 1(415) 554-7892.
Programang SF City Option
Kapag nagbayad ang isang employer sa SF City Option sa unang pagkakataon, makakatanggap ng welcome letter ang kanilang empleyado. Sa welcome letter makakatanggap sila ng mga tagubilin sa pagkumpleto ng Form ng Pagpapatala sa SF MRA. Maaari nilang kumpletuhin ang form online, ipadala ito sa koreo, o sa pamamagitan ng pagtawag sa Customer Service sa 1(877) 772-0415.
Kapag naproseso ang Form ng Pagpapatala sa SF MRA, ang mga kontribusyon ng employer ay idedeposito sa SF MRA account ng empleyado. Makakatanggap ang empleyado ng mga abiso sa koreo at email upang gamitin nila ang kanilang SF MRA account.
Ang mga pagbabayad ng employer sa SF City Option ay maaaring makapagbigay sa empleyado ng medical reimbursement account.
Magbabayad kayo sa ngalan ng inyong mga empleyado sa halagang sapat upang makasunod sa Employer Spending Requirement ng Health Care Security Ordinance o Healthy Airport Ordinance. Walang karagdagang bayarin upang makilahok ang Employer sa Programang City Option.
Para sa mga detalyadong tagubilin, pakibisita ang aming pahina na Paano Makilahok sa City Option.
Para sa mga detalyadong tagubilin, pakibisita ang aming pahina na Magbayad.
Hindi na ninyo kailangang isama ang empleyado sa listahan matapos ninyong makumpleto ang inyong mga obligasyon sa pagbabayad sa ilalim ng HCSO o HAO para sa Empleyado.
Magagawa ng mga empleyadong may Mga Medical Reimbursement Account na i-access ang mga pondo sa kanilang mga MRA at magsumite ng mga claim para sa reimbursement kahit hindi na sila nagtatrabaho sa inyong kumpanya. Hindi ibabalik sa employer ang mga pondo sa MRA.
Ngayong nabayaran na ang listahan ninyo sa SF City Option, mahalagang ipagbigay-alam ninyo sa inyong mga empleyado ang tungkol sa benepisyong ito upang gawin nila ang mga hakbang sa pagpapatala sa SF MRA at gamitin ang perang ibinigay ninyo sa ngalan nila. Inirerekomenda naming inyong ipaskil ang Poster ng SF City Option sa isang break room o i-post ito nang virtual sa inyong portal ng HR o mga benepisyo.
Bukod pa rito, ibigay ang isang pahinang handout na ‘Welcome sa SF City Option’ at ang Abiso sa Pagkumpirma sa Pagbabayad sa Pangangalagang Pangkalusugan sa inyong mga empleyado nang personal, sa email, text o koreo upang matulungan silang humandang magpatala.
Ang lahat ng pang-edukasyong materyal ay available para i-download sa English, Spanish, Chinese at Tagalog. Maaari din kayong magpaiskedyul na pumunta ang SF City Option sa inyong site upang turuan at tulungan ang inyong empleyado na magpatala sa kanilang benepisyo sa SF MRA.
Oo. Matapos ang una ninyong pagbabayad sa Programang City Option sa ngalan ng isang empleyado, dapat ninyong bigyan ang empleyado ng Abiso sa Pagkumpirma sa Pagbabayad sa Pangangalagang Pangkalusugan. Maaari ninyong ipadala ang abiso na ito sa Empleyado sa pamamagitan ng koreo, email, o nang personal. Available para i-download ang abiso sa English, Chinese, Spanish at Tagalog.
Hindi. Kung magbibigay kayo ng kontribusyon sa SF City Option, hindi ninyo kailangan sumunod sa mga espesyal na alituntunin na umiiral sa mga pagbabayad sa mga programang health reimbursement.
Kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa programa, mangyaring makipag-ugnayan sa Tagapamahala ng Programang SF City Option sa 1(415) 615-4492 o employerservices@sfcityoption.org.
Mag-click dito upang makita ang mga petsa ng mga paparating naming webinar ng employer at upang magparehistro para sa isang webinar.
Ang SF City Option ay nag-aalok ng mga on-site at online na presentasyon sa Mga Empleyado tungkol sa SF City Option at kung paano magpatala. Hindi bababa sa 10 katao ang kailangang dumalo sa bawat presentasyon. Upang magpaiskedyul ng presentasyon sa inyong kumpanya, mangyaring makipag-ugnayan sa amin 3 linggo bago ang gusto ninyong petsa ng presentasyon.
SF Medical Reimbursement Account (SF MRA) para sa mga Empleyado
Ang SF City Option ay nagbibigay sa masisipag na taong nagtatrabaho sa San Francisco ng access sa pondong magagamit upang ma-reimburse sa kanila ang insurance sa kalusugan at iba pang gastusing nauugnay sa kalusugan. Ang pangunahing layunin ng SF City Option at programang SF MRA ay matulungan ang mga kalahok na makamit at mapanatili ang kanilang pinakamagandang kalusugan at kundisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pondong makakatulong sa mga gastusing nauugnay sa kalusugan.
Ang programang SF MRA ay nagbibigay sa inyo ng access sa mga pondong magagamit upang ma-reimburse kayo para sa insurance sa kalusugan at iba pang gastusing nauugnay sa kalusugan. Magkakaroon din ng access sa mga pondong ito ang inyong asawa, kinakasama, at sinumang dependent.
Mga Tala Tungkol sa Programa:
Ang San Francisco Medical Reimbursement Account, na kilala rin bilang SF MRA, ay isang programang pangkalusugan na binuo ng Lungsod at County ng San Francisco noong 2005. Ang layunin ng programa ay tiyaking mare-reimburse ang mga kalahok para sa mga gastusing nauugnay sa kalusugan, kabilang ang mga premium at deductible ng insurance sa kalusugan.
Mula noong Enero 2022, nakapagbayad na ang SF MRA ng mahigit $500 milyon sa mga kalahok upang matulungan silang mabayaran ang mga gastusing nauugnay sa kalusugan at matulungan silang mapanatili ang pinakamagandang kalusugan ng katawan at isip.
Ang pera mula sa SF MRA ay pwedeng gamitin sa maraming iba’t ibang gastusing medikal, sa mga serbisyo, at mga produkto.
Kinukuha sa mga pondo ng SF MRA ang reimbursement para sa mga gastusing pangkalusugan at medikal, serbisyo, at produkto para sa:
- Inyo (kilala bilang ‘kalahok’ sa programang SF MRA).
- Inyong asawa o kinakasama.
- Inyong mga anak o dependent.
Ginagawa ang pagpapatala sa pamamagitan ng pagsagot sa form online o sa pamamagitan ng koreo. Ang reimbursement ay umaabot ng 3-5 araw ng trabaho. Isang hiwalay na kumpanya, ang WageWorks/HealthEquity, ang nangangasiwa ng reimbursement. Ginagawa ang reimbursement sa pamamagitan ng direktang deposito sa inyong account sa bangko o sa pamamagitan ng tseke.
Nanggagaling sa inyong employer ang pondo para sa SF MRA.
Maaari ninyong gamitin ang inyong mga pondo sa SF MRA upang ma-reimburse para sa inyong insurance sa kalusugan at mga deductible sa insurance. Ipinagpapaliban ba ninyo ang pagpapatingin sa doktor, dentista, optometrist, o medikal na propesyonal? Gamitin ang inyong SF MRA upang ma-reimburse para sa pagpapatingin na ito at maging kampante na pinapabuti ninyo ang inyong kalusugan. Maaari ninyong gamitin ang SF MRA para sa mga gastusing nauugnay sa kalusugan ng isip.
Bakit mayroong programang SF MRA?
Upang matulungan ang mga kalahok na mapanatili ang pinakamagandang kalusugan at upang maging mga pinakamalusog na tao sa United States ang mga nagtatrabaho sa San Francisco. Maaari ninyong gamitin ang inyong pera mula sa SF MRA upang makatulong sa pag-iwas sa mga medikal na isyu sa pamamagitan ng mga regular na pagpapatingin at produkto at serbisyo na pang-iwas sa sakit. Magagamit pa rin ninyo ang pera sa inyong aktibong account kahit umalis na kayo sa inyong employer. Pananatilihing kumpidensyal ang inyong medikal na kasaysayan.
Aksidente o hindi inaasahang medikal na gastusin?
Gamitin ang inyong mga pondo sa SF MRA. Maaari din ninyong gamitin ang inyong mga pondo sa SF MRA para sa mga gamot na inirereseta, over-the-counter na gamot, at supplement sa diyeta.
Ang mga account ay mananatiling aktibo hangga’t mayroong hindi bababa sa isang SF MRA claim bawat 3 taon. Simula sa Marso 1, 2023, magkakaroon ng patakaran ang Lungsod at County ng San Francisco na isara ang mga account na hindi nagamit sa loob ng tatlong taon. Kung hindi ka mag-enroll bago ang Abril 2026, permanenteng isasara ang iyong account.
Oo, maaaring gamitin ang inyong SF MRA upang ma-reimburseme para sa mga premium sa insurance sa kalusugan, mga co-payment, at deductible.
Kwalipikado ang mga empleyado para sa SF MRA kung nagbigay ang kanilang Employer ng mga kontribusyon sa SF City Option sa ngalan nila at nadeposito ang mga kontribusyong iyon sa isang SF MRA kapag nagpatala sila.
Mag-click dito para tingnan ang detalyadong listahan ng mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement sa ilalim ng SF MRA. Kabilang sa maraming gastusing kwalipikado para sa reimbursement ang mga pagpapatingin sa tanggapan ng doktor, copay, premium sa insurance sa kalusugan, salamin sa mata at contact lens, at gamot na inirereseta at over-the-counter
Inaprubahan ng San Francisco Health Commission ang isang patakaran noong Enero 2022 upang permanenteng isara ang mga account ng empleyado na hindi nagamit sa loob ng 3 taon na magkakasunod na panahon. Ang anumang mga pondo sa account na iyon ay permanenteng ibabalik sa Lungsod at County ng San Francisco. Ang patakarang ito ay naaayon sa umiiral na batas ng estado (Government Code 50050).
Ang patakaran ay epektibo sa Marso 1, 2023. Ibig sabihin, ang programa ng SF City Option ay magsisimulang subaybayan ang mga account na walang aktibidad sa loob ng tatlong taon na magkakasunod na panahon simula Marso 1, 2023, at higit pa. Ang pinakamaagang anumang account na maaaring permanenteng isara ay Abril 2026.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa patakarang ito, mag-click dito.
Available para sumagot ng mga tanong ng empleyado ang mga kinatawan ng Customer Service ng SF City Option mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:30am PST hanggang 5:30pm PST. Ang numero ay 1(877) 772-0415.