Buwan ng Kaalaman sa Kalusugan ng Kalalakihan: Pangangalagang Pang-iwas sa Sakit

Humigit-kumulang 55% ng kalalakihan sa US ang nag-iisip na hindi nila kailangan ng taunang check-up – pero ang totoo, makakatulong ang regular na pagpapatingin sa kalusugan para manatili kang ligtas at malusog.

Maaari kang matulungan ng mga taunang check-up na makita ang mga karaniwang isyu sa kalusugan ng kalalakihan tulad ng sakit sa puso, diabetes, ilang partikular na uri ng kanser (tulad ng kanser sa prostate) at marami pa. Dagdag pa rito, matutulungan ka ng pangangalagang pang-iwas sa sakit na manatiling malusog at aktibo sa mga darating na taon.

5 Paraan Upang Manatiling Malusog ang Kalalakihan

Narito ang 5 madaling hakbang na maaari mong gawin upang manatiling malusog ngayong Buwan ng Kalusugan ng Kalalakihan:

  1. Iiskedyul ang iyong taunang check-up. Sa pagpapatingin na ito, maaari kang makakuha ng screening sa kalusugan para sa iyong asukal sa dugo, presyon ng dugo, cholesterol, at iba pa. Makakatulong ang mga pagsusuring ito na matukoy ang malulubhang sakit bago pa ito lumala.
  2. Kumain ng masustansyang pagkain. Magdagdag ng mas maraming prutas at gulay sa plato mo, at bawasan ang maaalat at matatamis na pagkain. Makakatulong ito na mapapaba ang panganib mo na magkaroon ng mga isyu sa kalusugan ng puso, diabetes, at marami pa.
  3. Iwasan ang mga mapanganib na pag-uugali. Nakakatulong ang pagtigil o pagbabawas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak sa pagpapababa ng panganib ng stroke, mga sakit sa respiratory (paghinga), ilang uri ng kanser, at iba pa.
  4. Gumawa ng maliliit na pagbabago sa pamumuhay. Ang regular na pag-eehersisyo at pagtulog ng 7–9 oras bawat gabi ay dalawang simpleng gawain na may malaking epekto sa iyong kalusugan.
  5. Huwag balewalain ang kalusugan ng pag-iisip mo. Madalas na pinapahirap ng stigma at mga inaasahan ng lipunan ang pagkuha ng kalalakihan ng suporta sa kalusugan ng pag-iisip. Karapat-dapat kang makakuha ng pangangalagang kailangan mo.

Nagtatrabaho ka sa SF? Makakuha ng mga Pondo para sa Pangangalagang Pangkalusugan

Bilang isang manggagawa ng SF, maaaring mayroon kang mga pondong naghihintay sa iyo sa isang San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA.) Sa pamamagitan ng SF MRA, ibabalik sa iyo ang mga bayad para sa mga sakop na gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na ikaw o ang miyembro ng iyong pamilya ang nagbayad. Kunin ang iyong mga pondo sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng paghahanap ng aming Funds Finder ngayon.

Gamitin ang pondo ng SF MRA para sa mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan ng kalalakihan, kabilang ang:

  • Mga co-pay at bayad sa doktor
  • Mga rutinang pagsusuri ng kalusugan
  • Mga bitamina at mineral para sa malusog na pagkain
  • Mga supply ng diabetic
  • Paggamot para sa pag-inom sa alak at paggamit ng ipinagbabawal na droga
  • Mga produkto at programa upang huminto sa paninigarilyo
  • Pagpapayo at therapy

Tingnan ang buong listahan ng mga saklaw na gastusin para sa mas maraming paraan upang mabawi ang pera sa bulsa mo.

Nasa kamay mo ang iyong kalusugan. Anong gagawin mo ngayong Buwan ng Kalusugan ng Kalalakihan?