Mga Madalas na Itanong (FAQ) ng Empleyado

Mga Pagbabayad ng Employer

Dapat ay pinadalhan kayo ng inyong Employer ng ng Kumpirmasyon ng Pagbabayad para sa Pangangalagang Pangkalusugan pagkatapos ng unang pagbabayad para sa inyo. Padadalhan din kayo ng aming programa ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo sa loob ng 1-3 linggo matapos ang unang pagbabayad ng Employer ninyo.

Kung mayroon kang mga tanong kung nagbayad ang iyong Employer sa SF City Option Program, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong Employer o mag-email sa info@sfcityoption.org.

Kung sa palagay ninyo ay nakakatanggap dapat kayo ng isang uri ng benepisyo sa kalusugan (insurance sa kalusugan, benepisyo sa City Option, o iba pang benepisyo), mangyaring makipag-ugnayan sa Office of Labor Standards Enforcement sa 1(415) 554-7892 o sa pamamagitan ng pag-email sa HCSO@sfgov.org.

Kumpletohin ang Enrollment Form sa SF MRA upang malaman kung kwalipikado kayo para sa isang SF MRA.

  • Kung nagtatrabaho kayo sa San Francisco o sa SFO International Airport, maaaring kwalipikado kayo para sa SF Medical Reimbursement Account (SF MRA).
  • Maaaring gamitin ang mga pondo sa isang SF MRA para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang gastusing binayaran ninyo mula sa inyong sariling bulsa na nauugnay sa mga produkto at serbisyo sa pangangalagang medikal, pangangalaga ng ngipin, at pangangalaga ng paningin.

Kung may mga karagdagang tanong kayo, mangyaring mag-email sa info@sfcityoption.org.

SF Medical Reimbursement Account (SF MRA) para sa mga Empleyado

Ang programang SF MRA ay nagbibigay sa inyo ng access sa mga pondo para makakuha kayo ng reimbursement para sa insurance sa kalusugan at iba pang gastusing nauugnay sa kalusugan. Ang pangunahing layunin ng programang SF MRA ay matulungan kayong makamit ang pinakamabuting kalusugan. Magkakaroon din ng access sa mga pondong ito ang inyong asawa, kinakasama, at sinumang dependent.

Magagamit mo pa rin ang iyong SF MRA pagkatapos mong hindi na magtrabaho para sa Employer na gumawa ng mga deposito. Ang mga pondo ng SF MRA ay magagamit na gastusin hangga’t ang iyong account ay aktibo. Panatilihing aktibo ang iyong account sa pamamagitan ng pagsusumite ng hindi bababa sa isang SF MRA claim bawat 36 na buwan.

Kung hindi ka magsumite ng claim sa loob ng panahong iyon, permanenteng isasara ang iyong account. Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa patakaran sa pagsasara ng account Pindutin dito.

May $3.15 na pang-administratibong bayarin na kinakaltas mula sa inyong MRA bawat buwan, ginamit man ninyo o hindi ang inyongSF MRA sa buwang iyon.
Ang mga gastusin lang sa pangangalagang pangkalusugan na binayaran sa o makalipas ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng inyong SF MRA ang kwalipikado para sa reimbursement. Ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng inyong SF MRA ay ang petsa kung kailan na-clear sa aming system ang unang pagbabayad ng employer para sa inyo.

Oo, kasama ang mga premium sa insurance sa kalusugan, co-payment, at deductible sa maraming gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement mula sa mga SF MRA.

Maaari kayong maging kwalipikado para sa SF MRA kung magbabayad ang inyong employer sa SF City Option para sa inyo. Sagutan ang aming eligibility survey.

Mag-click dito para sa impormasyon tungkol sa kung paano mag-enroll sa SF MRA.

Inaprubahan ng San Francisco Health Commission ang isang patakaran noong Enero 2022 upang permanenteng isara ang mga account ng empleyado na hindi nagamit sa loob ng 3 taon na magkakasunod na panahon. Ang anumang mga pondo sa account na iyon ay permanenteng ibabalik sa Lungsod at County ng San Francisco. Ang patakarang ito ay naaayon sa umiiral na batas ng estado (Government Code 50050).

Ang patakaran ay epektibo sa Marso 1, 2023. Ibig sabihin, ang programa ng SF City Option ay magsisimulang subaybayan ang mga account na walang aktibidad sa loob ng tatlong taon na magkakasunod na panahon simula Marso 1, 2023,at higit pa. Ang pinakamaagang anumang account na maaaring permanenteng isara ay Abril 2026.

Upang matuto nang higit pa tungkol sa patakarang ito, mag-click dito.

Mag-email sa info@sfcityoption.org upang makita kung mayroon kang SF MRA.

Ang mga gastusin lang sa pangangalagang pangkalusugan na binayaran sa o makalipas ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng inyong SF MRA ang kwalipikado para sa reimbursement. Ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng inyong SF MRA ay ang petsa kung kailan na-clear sa aming system ang unang pagbabayad ng employer para sa inyo.

May $3.15 na pang-administratibong bayarin na kinakaltas mula sa mga available na pondo sa bawat SF MRA bawat buwan, ginamit man ninyo o hindi ang account sa buwang iyon. Hindi magkakaltas ng mga pang-administratibong bayarin mula sa account kung wala pang $3.15 ang available na balanse.

Mag-click dito para sa impormasyon tungkol sa kung paano i-access ang inyong SF MRA

Maaari kayong magsumite ng mga resibo at claim form online o sa pamamagitan ng koreo, fax, o mobile app at makakuha ng reimbursement sa pamamagitan ng tseke o direct deposit. Para sa detalyadong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page na Magsumite ng Claim.

Mag-click dito para tingnan ang detalyadong listahan ng mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement sa ilalim ng SF MRA. Kabilang sa maraming gastusing kwalipikado para sa reimbursement ang mga pagpapatingin sa tanggapan ng doktor, copay, premium sa insurance sa kalusugan, salamin sa mata at contact lens, at gamot na inirereseta at over-the-counter.

Kadalasang pinoproseso ang mga claim sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho pagkatapos magsumite ng claim.

Kung magsusumite kayo ng claim na mas malaki sa balanse sa inyong account, babayaran ang claim nang hanggang halagang available na balanse.

Wala, maaari kayong magsumite ng claim para sa halagang kasing baba ng $0.01 at makakuha pa rin ng reimbursement sa pamamagitan ng tseke o direct deposit para sa claim.

Wala, maaari kayong makakuha ng reimbursement na tseke o direct deposit para sa halagang kasing baba ng $0.01.

Magiging available ang mga pondo sa inyong SF MRA sa loob ng 1-3 linggo pagkatapos ng bawat pagbabayad ng employer sa aming programa.

Magagamit mo pa rin ang iyong SF MRA pagkatapos mong hindi na magtrabaho para sa Employer na gumawa ng mga deposito. Ang mga pondo ng SF MRA ay magagamit na gastusin hangga’t ang iyong account ay aktibo. Panatilihing aktibo ang iyong account sa pamamagitan ng paghahain ng hindi bababa sa isang SF MRA claim bawat 36 na buwan.

Isasara ng aming programa ang SF MRA at hindi mo magagawang gastusin ang mga pondo ng SF MRA kung walang mga paghahabol o deposito sa mahigit 36 na buwan.

Maaari ninyong patuloy na gamitin ang inyong aktibong SF MRA upang magsumite ng mga claim para sa reimbursement kahit hindi na kayo nagtatrabaho sa Employer ninyo.

Mangyaring tumawag sa HealthEquity/WageWorks, ang aming partner na nagpapanatili sa mga account, sa 1(866) 697-6078 para sa inyong balanse sa account. Maaari din ninyong tingnan ang inyong balanse sa account online sa participant.wageworks.com/sfmra.

Mangyaring tumawag sa HealthEquity/WageWorks, ang aming partner na nagpoproseso ng mga claim, sa 1(866) 697-6078 upang tingnan ang status ng inyong claim. Maaari din ninyong tingnan ang status ng mga claim sa participant.wageworks.com/sfmra.

Maaari mong pamahalaan ang impormasyong ito online sa sfmra.org/onlineaccount o mag-email sa info@sfcityoption.org.

Available ang mga kinatawan ng Serbisyo sa Customer ng SF MRA Lunes hanggang Biyernes mula 5:00am PST hanggang 5:00pm PST upang sagutin ang mga partikular na tanong ninyo tungkol sa mga Medical Reimbursement Account. Mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SF City Option sa 1(866) 697-6078.

Oo, maa-access pa rin ninyo ang inyong SF MRA account at makakapagsumite pa rin kayo ng mga claim para sa mga kwalipikadong gastusin, kahit na lumipat kayo sa labas ng estado o sa ibang bansa. Kapag nagsumite kayo ng inyong claim sa HealthEquity/WageWorks, dapat ay nasa wikang Ingles ang inyong dokumentasyon ng claim at patunay ng pagbabayad, at nasa dolyar na halaga ang claim.