Bakit Nagdedeposito ng Mga Pondo ang Employer ko sa isang SF MRA?

Mga manggagawa sa SF, alam mo ba na maaaring naglalaan ng pondo ang employer mo para sa iyong kalusugan?

Sa pamamagitan ng San Francisco City Option (SFCO), maaaring makakuha ng pera ang mga manggagawa sa SF para sa mga saklaw na gastusin sa kalusugan. Itong benepisyong pangkalusugan ay tinatawag na isang San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA), at pinopondohan ito ng employer mo.

Layunin ng SF MRA na makamit at mapanatili ninyo ang inyong pinakamagandang kalusugan.

Matuto Pa Tungkol sa Iyong Employer at SF City Option

Dahil sa mga lokal na batas, kailangang magbigay ang mga employer ng mga benepisyong pangkalusugan para sa mga kuwalipikadong manggagawa. Ang SF City Optionay programa sa mga benepisyong pangkalusugan na pinipili ng mga employer para sa kanilang mga manggagawa upang sumunod sa batas.

Kapag nagdeposito ng mga pondo ang employer sa programa ng SFCO, dapat bigyan ka nila ng Abiso ng Pagkumpirma sa Pagbabayad ng Pangangalagang Pangkalusugan. Magpapadala rin ang SFCO sa iyo ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng koreo, 1 hanggang 3 linggo matapos gawin ng employer mo ang kanilang unang deposito.

Pagkatapos mong magpatala sa SF MRA na benepisyo, ang perang iyon ay sa iyo at magagamit mo! Maaari mo pa ring ma-access ang mga pondo mo kahit magpalit ka ng trabaho o lumipat ng tirahan. Siguraduhin lamang na panatilihing aktibo ang account mo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga claim para sa reimbursement.

Paano Ka Matutulungan Ng Mga Pondo sa SF MRA Na Mabayaran ang mga Gastusin

Matutulungan ka ng mga pondo sa SF MRA na mabawi ang perang ginastos mo o ng iyong pamilya. Maaari mong gamitin ang mga pondo sa iyong SF MRA upang matustusan ang gastos sa pagpapatingin sa doktor, inireresetang gamot, pangangalaga sa ngipin, mga serbisyo para sa paningin, at marami pang iba.

Tingnan ang kumpletong listahan ng mga saklaw na gastos   upang makita pa kung paano mo magagamit ang mga pondo mo.

Hindi ka ba sigurado kung may mga naitalagang pondo para sa iyo ng kasalukuyan o dating employer? Maghanap sa Funds Finder upang malaman.

Mga Nangungunang Kalahok na Employer

Nagbigay na ang SF MRA sa mga manggagawa ng mahigit $500 milyon sa mga saklaw na gastusin na may kaugnayan sa kalusugan. Ang mga nangungunang kompanya sa San Francisco na nagdedeposito ng mga pondo sa SF MRA para sa mga empleyado ay kinabibilangan ng:

  • Whole Foods
  • Amazon.com
  • YMCA of San Francisco
  • YOH Services
  • San Francisco Symphony
  • Book Passage
  • Guitar Center
  • Thanh Long Restaurant

Bisitahin ang aming page ng FAQ para sa mga sagot sa anumang karagdagang tanong na maaaring mayroon ka.