Huwag Hayaang Mawala ang Iyong Mga Pondo sa SF MRA

Umaksyon ngayon para mapanatiling bukas ang iyong SF MRA

Bilang manggagawa sa San Francisco, posibleng may pondo ka sa San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA). Makakatulong sa iyo ang benepisyo ng SF MRA na maibalik ang pera mo mula sa maraming iba’t ibang gastos sa kalusugan at wellness. Sa pagpapanatiling bukas at aktibo ng iyong SF MRA, maiiwasan mong mawala ang perang ito.

Isinasara ng City at County ng San Francisco ang mga account na hindi nagamit sa loob ng tatlong taon. Narito ang mga kailangan mong gawin upang mapanatili ang iyong pondo:

Una, Tingnan kung Mayroon Kang Pondo sa isang SF MRA
  • Maraming manggagawa ng SF ang walang alam tungkol sa benepisyo ng SF MRA.
  • Hindi sigurado kung kuwalipikado ka para sa isang SF MRA? Bisitahin ang aming website para malaman kung mayroon kang pondong puwedeng sumaklaw sa mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan mo at ng pamilya mo.
Magpatala sa Benepisyo ng SF MRA
  • Kung hindi ka pa nakakapagpatala sa benepisyo ng SF MRA, gawin ito ngayon.
  • Pagkatapos mong magpatala, puwede mong simulang gamitin ang iyong pondo para maibalik ang pera mo para sa mga kuwalipikadong gastusin. Kasama sa mga saklaw na gastusin sa kalusugan ang mga regular na pagpapatingin sa doktor, pangangalaga sa ngipin at paningin, mga over-the-counter na produkto, at marami pa.

Alamin kung paano magpatala sa SF MRA.

Mag-file ng Claim
  • Pagkatapos mong magpatala sa benepisyo ng SF MRA, siguruhing regular na mag-file ng mga claim.
  • Ang paggamit ng iyong benepisyo ng SF MRA ay makakatulong sa iyong manatiling malusog. Sa pag-file ng claim, pinapanatili mo ring aktibo ang iyong account. Nagbibigay-daan ito sa iyong patuloy na magamit ang iyong pondo sa SF MRA.

Alamin kung paano mag-file ng claim.

Sa pagpapanatiling aktibo at bukas ang iyong account, makakatulong itong masigurong hindi mawawala ang iyong pondo. Nakuha mo ang pondong ito dahil sa iyong pagsusumikap—huwag sayangin ang mga ito!

May mga tanong ka pa rin? Bisitahin ang aming FAQs Page para alamin pa.