Gamitin ang Mga Pondo ng SF MRA para Itigil ang Paninigarilyo at Protektahan ang Iyong mga Baga
Ang kanser sa baga ang nangungunang sanhi ng pagkamatay dahilan ng kanser sa U.S. – at sa bawat sigarilyo, tumataas ang iyong panganib ng kanser sa baga.
Kung naninigarilyo ka, narito ang katotohanan: ang pagtigil ay ang pinakaunang bagay na puwede mong gawin para maprotektahan ang iyong kalusugan sa baga. Pero hindi mo ito kailangang gawin nang mag-isa. Puwede mong makuha ang suportang kailangan mo para gawing posible ang pagtigil sa paninigarilyo.
Ngayong Lung Cancer Awareness Month, gamitin ang iyong San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA) para pangalagaan ang iyong kalusugan at ganap na itigil ang iyong bisyo.
Mga Paraan para Babaan ang Iyong Panganib ng Kanser sa Baga
Ang paghinto sa paninigarilyo sa anumang edad ang pinakamagandang paraan para mapababa ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa baga. Iba pang paraan para mapababa ang iyong panganib:
- Pag-iwas na makalanghap ng usok ng sigarilyo.
- Pagpapasuri ng inyong tahanan kung may radon tulad ng inirerekomenda ng
Environmental Protection Agency . - Pagsunod sa mga alituntunin ng kalusugan sa trabaho para maiwasan ang anumang carcinogen
(mga bagay na puwedeng magdulot ng kanser).
Hindi napapansin ng maraming taong may kanser sa baga ang mga sintomas hanggang sa lumala ang kanser. Napapansin niyo ba ang mga palatandaan tulad ng paninikip o pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, o pag-ubo na hindi nawawala? Makipag-usap sa iyong doktor o pangunahing provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagpapa-screen kaagad para sa kanser sa baga.
Paano Makakasuporta ang SF MRA sa Iyong Kalusugan ng Baga
Kung handa ka nang tumigil sa paninigarilyo, makakatulong ang iyong mga pondo sa SF MRA. Ang SF MRA ay isang benepisyo na tumutulong sa mga dati at kasalukuyang manggagawa ng SF na manatiling malusog. Matutulungan ka ng iyong SF MRA na mabayaran para sa mga gastos sa pangangalagang pangkalusugang ginastos mo o ng iyong pamilya. Tingnan ang Funds Finder para makuha ang mga pondo mo ngayon!
Puwedeng maibalik ang pera mo para sa:
- •Nicotine lozenges, patches, gum, at nasal spray
- Mga pag-screen ng Kanser sa Baga
- Mga regular na pagpapatingin sa kalusugan
Sa pamamagitan ng sulat mula sa iyong doktor, maaari ka ring mabayaran para sa hypnosis at ilang programa ukol sa paghinto sa paninigarilyo.
Tingnan ang buong listahan ng mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan para malaman kung paano mo pa mapoprotektahan ang iyong kalusugan sa baga, babaan ang panganib sa kanser, at maibalik ang pera mo.