
Gamitin ang mga Pondo ng SF MRA para sa Balik-Eskwelang Pagpapabakuna ng Iyong Anak
Nakakatulong ang mga bakuna na mapababa ang panganib sa malulubhang sakit ng iyong anak. Mahalaga na ang iyong anak ay mayroon ng lahat ng napapanahong bakuna upang mapanatiling malusog ang lahat sa panahon ng taon ng paaralan.
Ang ilang mga karaniwang bakuna ay kinabibilangan ng:
- Bulutong-tubig (VAR)
- COVID-19
- Hemophilic Influenza type B (Hib)
- Hepatitis A (HepA)
- Hepatitis B (HepB)
- Tigdas (MMR)
- Polio (IPV)
Bisitahin ang cdc.gov upang tingnan ang pinakabagong iskedyul ng pagpapabakuna para sa anak mo.
Iba pang mga Sinasaklaw na Gastusin:
Maaaring gamitin ang nga pondo sa iyong SF MRA para i-reimburse ka, ang mga anak mo, o ang mga dependent mo.
Maaari mong gamitin ang iyong mga pondo sa SF MRA para ma-reimburse ang gastos sa pagpapabakuna, pagpapatingin, at pisikal na pagsusuri.
Maaari mo ring gamitin ang mga pondo sa SF MRA para sa:
- Paggamot ng tagihiyawat
- Mga gamot sa hika
- Mga bitamina
- Paggamot ng Kuto
- Mga sesyon sa pagpapayo
- Mga first-aid kit
- Hand sanitizer
- Maraming mga nabibiling gamot na hindi kailangan ng reseta, at higit pa.
Bisitahin ang aming Page ng Kwalipikadong Gastos para makita kung ano pa ang saklaw.