Bakit Nagdedeposito ng Mga Pondo ang Mga Employer sa SF MRA?

Pag-unawa sa tungkulin ng iyong employer sa SF City Option

Pinapayagan ng San Francisco City Option ang mga empleyado sa San Francisco na ma-access ang pera para sa mga gastusing may kaugnayan sa kalusugan sa pamamagitan ng benepisyo ng San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA).

Layunin ng SF MRA na tulungan ang mga manggagawa ng San Francisco na makamit at mapanatili ang kanilang pinakamaayos na kalusugan.

Mga Batas ng San Francisco sa Mga Benepisyong Pangkalusugan

Ang mga lokal na batas ay nag-aatas sa mga employer na magbigay ng mga benepisyong pangkalusugan para sa mga kwalipikadong empleyado. Ang SF City Option ay programa sa mga benepisyong pangkalusugan na pinipili ng mga employer para sa mga manggagawa, para legal na sumunod sa batas.

Kapag nagdeposito ng mga pondo ang employer sa programa ng SF City Option, dapat bigyan ka nila ng Abiso ng Pagkumpirma sa Pagbabayad ng Pangangalagang Pangkalusugan. Magpapadala rin ang programa ng SF City Option ng impormasyon sa iyo sa pamamagitan ng mail sa loob ng 1-3 linggo mula sa unang pagdeposito ng iyong employer.

Pagkatapos mong magpatala sa benepisyo ng SF MRA, magiging sa iyo na ang mga pondo. Magagamit mo pa rin ang mga pondo sa iyong SF MRA kahit na huminto ka sa pagtatrabaho para sa employer na gumawa ng mga deposito.

Mga Nangungunang Kalahok na Employer

Ibinalik ng SF MRA sa mga manggagawa ang higit sa $500 milyon para sa mga kwalipikadong gastos na may kaugnayan sa kalusugan. Ang mga nangungunang kompanya sa San Francisco na nagdedeposito ng mga pondo sa SF MRA para sa mga empleyado ay kinabibilangan ng:

  • Whole Foods
  • Amazon.com
  • YMCA of San Francisco
  • YOH Services
  • San Francisco Symphony
  • Book Passage
  • Guitar Center
  • Thanh Long Restaurant

Bisitahin ang aming page para sa Mga Madalas Itanong para sa mga sagot sa anumang karagdagang tanong.