Mga Manggagawa sa SF, Alamin Kung Paano Kayo Matutulungan ng SF MRA

“Makakatulong talaga ito sa pamilya ko.”

Iyan ang sinabi ni Linda nang matuklasan niyang naghuhulog ang employer niya ng “bundle” ng mga pondo sa isang San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA) para sa kanya. Gamit ang pera sa kanyang SF MRA, mababayaran niya ang mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan ng kanyang pamilya.

Libo-libong taga-San Francisco na tulad ni Linda ang gumagamit ng kanilang mga pondo sa SF MRA para makuha ang pangangalagang pangkalusugan na kailangan nila – at puwede rin ninyong gawin iyon! Magpatuloy sa pagbabasa para malaman kung paano.

Ano ang isang SF MRA?

Para makapagbigay ng mga benepisyo sa kalusugan para sa mga manggagawa sa SF, maaaring maghulog ang mga employer sa SF ng pera sa isang SF MRA. Makakatulong ang isang SF MRA na mabayaran ang mga kwalipikadong gastos sa kalusugan at kagalingan.

Kung nagtatrabaho kayo sa SF ngayon, o nagtrabaho kayo dati sa SF, maaaring may perang naghihintay sa inyo sa isang SF MRA. Hanapin ang aming Funds Finder ng SF MRA para makita kung mayroon kayong mga pondong magagamit sa ngayon.

Gamitin ang Mga Pondo sa SF MRA para sa Pisikal na Kalusugan at Kalusugan ng Pag-iisip

Ang isang karaniwang paraan ng paggamit sa mga pondo sa SF MRA ay ang pag-aalaga sa inyong pisikal na kalusugan. Maaari ninyong gamitin ang mga pondo na pambayad sa gastos sa mga co-pay para sa mga pagbisita para sa kalusugan, screening sa kalusugan, at marami pang iba.

Noong nalaman ni Mark na naglalagay ang employer niya ng pera sa isang SF MRA para sa kanya, sinimulan niyang gamitin ang mga pondo para maibalik ang perang nagastos para sa kanyang mga inireresetang gamot at bayarin sa doktor. Bukod dito, may positibong epekto rin sa kalusugan ng pag-iisip niya ang paggamit ng mga pondo sa SF MRA.

“Nakakawala ito ng stress at pag-aalala ko tungkol sa pagbabayad ng aking mga medikal na bayarin,” sabi ni Mark.

Pangangalaga para sa Buong Pamilya

Makakatulong ang SF MRA na mapanatiling malusog ang inyong buong pamilya! Maaari ring gamitin ang mga pondo sa inyong account para mabayaran ang mga kwalipikadong gastos sa pangangalagang pangkalusugan para sa inyong mga anak at kapareha. Isang halimbawa rito si Astrid, na gumagamit ng mga pondo sa SF MRA para makuha ang pangangalaga sa ngipin na kailangan ng kanyang anak na lalaki.

“Kailangan ng anak ko ng mga brace at abot-kaya ko na ito ngayon,” ibinahagi ni Astrid. “Nagkakaroon ako ng nakakatuwang kapanatagan dahil pagkakaroon ng perang ito.”

Panatilihing malusog ang inyong mga anak sa pamamagitan ng paggamit sa mga pondo sa SF MRA para mabayaran ang mga bayarin para sa dentista, mga pagbisita para sa kalusugan ng bata, at higit pa. Para makita kung paano pa ninyo maaaring gastusin ang inyong mga pondo, tingnan ang kumpletong listahan ng mga kwalipikadong gastos sa kalusugan.

I-claim ang Inyong Mga Pondo Ngayong Araw

Samahan sina Linda, Mark, at Astrid at i-claim ang inyong mga pondo sa pangangalagang pangkalusugan! Pumunta sa aming Funds Finder ng SF MRA para mahanap ang inyong mga pondo at masimulang makatipid sa mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan ngayong araw.