
Kwalipikado Ba Ako para sa SF MRA?
Pag-unawa kung sino ang kwalipikado para sa benepisyo ng SF MRA
Kung nagtatrabaho ka sa San Francisco o sa San Francisco International Airport (SFO) maaaring kwalipikado ka para sa isang SF Medical Reimbursement Account (SF MRA). Ang SF MRA ay isang benepisyo sa kalusugan na ibinibigay sa ilalim ng San Francisco City Option Program.
Nagbibigay sa iyo ang SF MRA ng access sa mga pondo na magagamit para sa mga gastusing may kaugnayan sa kalusugan. Ang mga pondo sa isang SF MRA ay nagmumula sa iyong employer. Kasama sa mga kwalipikadong gastusin para maibalik ang ibinayad ay ang mga gastos sa mga inireresetang gamot, gamot na nabibili nang walang reseta, mga pagbisita para sa kalusugan ng katawan, ngipin, o paningin, at marami pang ibang gastusin. Tingnan ang buong listahan ng mga saklaw na gastusin.
Maaaring kasama sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado sa SF MRA ang:
- Kung nagtrabaho ka sa San Francisco anumang panahon mula 2008 pasulong.
- Kung nagtrabaho ka sa San Francisco nang mahigit sa 90 araw sa kabuuan.
- Kung nagtrabaho ka sa San Francisco nang mahigit sa 8 oras kada linggo, sa average.
- Kung ang kumpanya ay may mahigit sa 20 empleyado sa buong mundo.
Paano Gumagana ang SF MRA:
Kapag nagdeposito ang iyong employer ng mga pondo sa SF City Option, dapat din silang magbigay sa iyo ng isang Health Care Payment Confirmation Notice para ipaalam sa iyo na nagdeposito na sila sa ngalan mo.
Makukuha ang mga pondo mula sa isang employer sa isang SF MRA 1-3 linggo pagkatapos ng bawat pagbabayad ng employer. Padadalhan ka rin ng SF City Option ng impormasyon sa loob ng 1-3 linggo matapos ang unang pagbabayad ng iyong employer. Para ma-access ang iyong mga pondo, dapat ka munang nakatala sa benepisyo ng SF MRA.
Kung hindi ka sigurado kung nagdeposito ng pondo ang isang employer sa ngalan mo, mangyaring tapusin ang isang SF MRA Enrollment Form para malaman kung kwalipikado ka.
Kung mayroon kang mga karagdagang tanong, makipag-ugnayan sa SF City Option sa 1(877) 772-0415 o mag-email sa amin sa [email protected].
Bisitahin ang aming FAQS page para sa higit pang impormasyon.