Maaaring Ma-reimburse ang Kababaihan Habang Nananatiling Malusog

Sa Buwan ng Kalusugan ng Kababaihan, gustong hikayatin ng SFCO ang lahat ng kababaihan na gawing priyoridad ang kanilang kalusugan.

Kasama sa mga karaniwang alalahanin sa kalusugan na nakakaapekto sa kababaihan ang:

  • Kanser
  • Sakit sa puso
  • Pagbubuntis
  • Mga isyu sa reproductive health
  • Mga isyu sa kalusugan ng pag-iisip
  • Karahasan o pang-aabuso

  • Sumailalim sa mga regular na well-woman na pagsusuri.
  • Makipag-usap sa isang provider tungkol sa anumang alalahanin sa kalusugan na mayroon ka.
  • Regular na mag-ehersisyo.
  • Itigil ang paninigarilyo at limitahan ang pag-inom ng alak o paggamit ng droga.
  • Kumain ng masustansyang pagkain.
  • Gawing priyoridad ang iyong kalusugan ng pag-iisip at matuto ng mga paraang mabuti sa kalusugan para harapin ang stress.
  • Maghanap ng provider na nakikinig sa iyo at sineseryoso ang iyong mga alalahanin.
  • Humingi ng tulong kung ikaw ay nasa marahas o mapang-abusong relasyon.

Magagamit ang mga pondo ng iyong SF MRA para i-reimburse ka, ang iyong asawa o kinakasama, at ang iyong mga anak o dependent para sa mga pagpapatingin sa doktor, screening sa kalusugan, inireresetang gamot, bayad sa laboratoryo, at marami pang ibang gastusing pangkalusugan, tulad ng:

  • Mga pagpapatingin at serbisyo sa gynecologist
  • Mga pambabaeng produkto para sa kalinisan, tulad ng mga napkin at tampon
  • Mga gamot at aparato para sa birth control
  • Mga mammogram
  • Prenatal at postpartum na pangangalaga
  • Pagpaplano ng pamilya
  • Pangangalaga sa pagpapalaglag
  • Mga serbisyo sa therapy at pagpapayo
  • Mga bayad sa pagiging miyembro sa isang fitness center o health club (kinakailangan ng pahayag ng provider para sa potensyal na pagiging kwalipikado).

Bisitahin ang aming Page ng Kwalipikadong Gastos para makita kung ano pa ang saklaw.