Manatiling Malusog sa Bagong Taon

Nagtakda ka ba ng isang goal na alagaan ang iyong kalusugan sa 2025? Kung oo, gawing prayoridad ang preventive care sa bagong taon. Ang mga benepisyo sa preventive care katulad ng mga bakuna, regular na check up, at pagsusuri sa mata at paningin ay tumutulong sa iyo na manatiling malusog at matuklasan ang mga problema sa kalusugan bago pa lumala.

Matutulungan ka ng preventive care na maiwasan ang pagkakaroon ng mga malubhang problema sa kalusugan katulad ng diabetes, sakit sa puso, at kanser. Ang mga serbisyong ito ay makakatulong din sa iyo na harapin ang mga problema sa kalusugan na mayroon ka na, upang maaari kang manatiling aktibo at malusog.

Kunin ang Iyong Mga Pondo sa Pangangalagang Pangkalusugan

Sundan ang iyong mga resolusyon sa tulong ng iyong SF Medical Reimbursement Account (SF MRA). Kung nagtatrabaho ka o dati nang nagtrabaho sa San Francisco, maaari na mayroon ka nang mga pondo na magagamit sa pamamagitan ng isang SF MRA. Maaaring gamitin ang nga pondo sa iyong SF MRA para i-reimburse ka, ang mga anak mo, o ang mga dependent mo para sa mga saklaw na gastos sa pangangalagang pangkalusugan.

Gamitin ang aming madaling gamitin na Funds Finder tool upang makita kung may mga pondong naghihintay sa iyo.

Gamitin ang SF MRA Funds para sa Preventive Care

Kung matagal mo nang iniisip na magpatingin ng kalusugan, magpalinis ng ngipin, o magpatingin ng iyong mga mata, maaari mong mabawi ang pera mo sa pamamagitan ng paggamit ng SF MRA pondo.

Kabilang sa mga sakop na gastos ang:

  • Mga eksaminasyon ng mata
  • Mga check-up ng ngipin, X-ray
  • Mga Pagsusuri ng Dugo
  • Co-pay para sa mga pagpapatingin ng kalusugan
  • Pagpapayo
  • Pagpapalinis ng ngipin

Tingnan ang Pahina ng Mga Kwalipikadong Gastos para sa isang buong breakdown ng sakop na mga gastos. Nawa’y magkaroon ka ng isang masaya at malusog na 2025!