SF MRA: Sino ang Kwalipikado at kung Paano Mag-enroll
Bilang isang manggagawa sa San Francisco, maaaring mayroon kang mga pondo para tugunan ang mga gastusin sa pamamagitan ng San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA). Ang SF MRA ay isang benepisyong pangkalusugan na pinili ng mga employer para sa kanilang mga manggagawa para sumunod sa mga batas ng San Francisco. Bahagi ng programa ng SF City Option ang SF MRA.
Kung kwalipikado, magagamit mo ang mga pondo ng SF MRA para tugunan ang mga gastusin sa:
- Segurong pangkalusugan
- Mga pagpapatingin sa doktor, sa ngipin, at paningin
- Marami pang ibang serbisyo at produktong pangkalusugan
Kwalipikado ba Ako para sa SF MRA?
Maaari kang maging kwalipikado para sa SF MRA kung pinili ng employer mo na maglaan ng pondo sa programa ng SF City Option para sa iyo. Kapag ginawa ito ng employer, dapat silang magbigay sa iyo ng Abiso ng Kumpirmasyon ng Pagbabayad sa Pangangalagang Pangkalusugan. Pinapaalam ng abisong ito na may available kang pondo.
Maaari ka ring maging kwalipikado para sa SF MRA kung:
- Nagtrabaho ka sa San Francisco noong 2008, o alinmang taon pagkatapos
- Nagtrabaho ka sa San Francisco nang mahigit sa 90 araw sa kabuuan
- Nagtrabaho ka sa San Francisco sa average nang mahigit sa 8 oras kada linggo
- Nag-enroll ka sa pagtugon sa kalusugan na ibinigay ng employer
- Nagkaroon na ng higit sa 20 manggagawa sa buong mundo ang kumpanya mo
Tingnan ang Funds Finder para Magsimula
Ang pinakamainam na paraan para malaman kung kwalipikado ka sa SF MRA ay tingnan ang SF MRA Funds Finder.
Para hanapin ang mga pondo mo, ilagay lang ang iyong pangalan, kaarawan, at huling 4 na numero ng iyong Social Security Number (SSN). Tutulungan ka ng Funds Finder upang malaman kung ang dati o kasalukuyan mong employer ay naglaan ng pondo sa SF MRA para sa iyo.
Kahit na mayroon nang naghihintay na pondo para sa iyo, kailangan mong mag-enroll sa SF MRA bago mo ito magamit. Maaari mo itong gawin online, sa pamamagitan ng koreo, o email. Alamin pa ang tungkol sa kung paano mag-enroll sa SF MRA.
May iba pang tanong tungkol sa SF MRA mo? Bisitahin ang aming page ng FAQ para malaman ang higit pa.