Maaaring Ma-reimburse ang Kalalakihan Habang Nananatiling Malusog

Kadalasang binabalewala ang ilang isyu sa kalusugan na nakakaapekto sa kalalakihan, na posibleng humantong sa mas malulubhang alalahanin sa kalusugan sa hinaharap. Gustong ipaalala ng SFCO sa lahat na mahalagang gawing priyoridad ang inyong kalusugan.

Kasama sa mga karaniwang alalahanin sa kalusugan na nakakaapekto sa kalalakihan ang:

  • Kanser sa Malaking Bituka
  • Sakit sa puso
  • Diabetes
  • Mataas na Presyon ng Dugo
  • Sobrang Paggamit ng Substance
  • Mga isyu sa kalusugan ng pag-iisip

Narito ang mga simple pero mahalagang paraan na masisimulan ng kalalakihan na mapabuti ang kanilang kalusugan:

  • Magpatingin sa isang doktor para sa mga regular na checkup kahit na sa palagay mo ay malusog ka.
  • Kumain ng masustansya at maging aktibo.
  • Kung umiinom ka ng alak, uminom lang nang katamtaman.
  • Tumigil sa paninigarilyo.
  • lamin ang kasaysayan sa kalusugan ng iyong pamilya.
  • Sumailalim sa mga screening na pagsusuri upang masuri ang mga problema sa kalusugan bago ka magkaroon ng mga sintomas.
  • Tiyaking updated ka sa iyong mga bakuna.

Magagamit ang mga pondo ng iyong SF MRA para i-reimburse ka, ang iyong asawa o kinakasama, at ang iyong mga anak o dependent para sa mga pagpapatingin sa doktor, screening sa kalusugan, bayad sa laboratoryo, at marami pang ibang gastusing pangkalusugan, tulad ng:

  • Mga pagsusuri sa prostate
  • Screening para sa kanser sa bituka at tumbong
  • Mga suplay ng diabetic at testing strip
  • Mga condom o iba pang contraceptive device
  • Mga serbisyo sa therapy at pagpapayo
  • Mga treatment center para sa sobrang paggamit ng substance
  • Mga bayad sa pagiging miyembro sa isang fitness center o health club (kinakailangan ng pahayag ng provider para sa potensyal na pagiging kwalipikado).

Bisitahin ang aming Page ng Kwalipikadong Gastos para makita kung ano pa ang saklaw.