Alamin ang Tungkol sa Iyong SF MRA

Paano mo mababawi ang pera mo sa mga pagpapatingin sa kalusugan, ngipin, paningin, at iba pa.

Bilang isang manggagawa sa San Francisco, ang San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA) ay isang benepisyo na layong tulungan kang manatiling malusog. Pero paano ito gumagana?

Ang SF MRA ay isang benepisyong pangkalusugan na bahagi ng SF City Option program. Lumalahok ang mga employers sa San Francisco sa SF City Option sa pamamagitan ng pagdedeposito ng mga pondo para sa kanilang mga manggagawa sa isang SF MRA. Gamit ang mga pondo sa iyong SF MRA, maaari kang makakuha ng reimbursement para sa maraming gastusin na may kinalaman sa kalusugan.

Tinutulungan ka ng iyong SF MRA na makuha ang pangangalagang kailangan mo—nang hindi nag-aalala tungkol sa gastusin.

Pagsisimula sa Iyong SF MRA

Nakakuha ka ba ng abiso na naglagay ang employer mo ng mga pondo sa isang SF MRA para sa iyo? Para gamitin ang mga pondo, kailangan mo munang magpatala. Kahit na lumipat ka na o hindi na nagtatrabaho sa San Francisco, magagamit mo pa rin ang mga pondo sa iyong SF MRA.

Alamin pa ang tungkol sa kung paano magpatala at tingnan kung may mga pondong magagamit.

Kapag nakapagpatala ka na at na-setup na ang iyong account, handa ka nang magsimulang makatipid sa mga gastusin sa kalusugan! Magagamit din ang iyong SF MRA upang masakop ang gastusin para sa pangangalaga ng iyong pamilya, kasama:

  • Ikaw
  • Ang iyong asawa o partner
  • Mga anak mo
  • Iyong mga dependent

Simulang Makatipid sa Mga Gamit at Serbisyong Pangkalusugan

Gamit ang iyong SF MRA, mababawi mo ang pera mo para sa maraming saklaw na gastusing pangkalusuganm tulad ng:

  • Mga bayarin sa insurance sa kalusugan
  • Mga gastusin sa medikal, ngipin, o paningin, co-pay at iba pang bayarin
  • Mga gastos sa inireresetang gamot
  • Therapy, pagpapayo, at paggamot sa adiksyon
  • Mga gamot na nabibili nang walang reseta tulad ng aspirin, gamot sa sipon, at gamot sa allergy
  • Mga kagamitang medikal tulad ng wheelchair, supply para sa diabetes, hearing aid, at back brace
  • Ilang partikular na gastusin para sa kagalingan tulad ng mga acne peel, acupuncture, at chiropractic na serbisyo

Unahin ang kalusugan mo at simulang gamitin ang iyong SF MRA ngayon! Para makita kung paano mo pa magagamit ang mga pondo sa iyong SF MRA, tingnan ang buong listahan ng mga gastusin sa kalusugan na sakop.

Tingnan ang blog namin upang malaman kung paano magsumite ng claim.

May mga tanong ka pa rin? Bisitahin ang aming FAQ na pagee para malaman ang higit pa.