
Paano Magsumite ng SF MRA Claim
Isang detalyadong gabay para maibalik sa iyo ang pera mo para sa iyong mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan.
Sundin ang mga hakbang na ito para magpadala ng claim at maibalik sa iyo ang pera mo para sa iyong mga sinasaklaw na gastusin sa kalusugan at wellness.
1. Maghanap sa Funds Finder
Una, tiyaking may mga pondo ka sa SF MRA mula sa dati o kasalukuyang employer. Pumunta sa Funds Finder ng SF MRA, ilagay ang iyong impormasyon, at i-click ang Maghanap para makita kung may mga pondo kang naghihintay sa iyo.
2. Tingnan ang Balanse ng Iyong SF MRA
Maaari mong tingnan ang balanse ng account mo online sa participant.wageworks.com/sfmra.
Kung wala kang online account, tumawag sa HealthEquity/EZ Receipts para alamin ang balanse ng iyong account sa
3. Tingnan kung Sinasaklaw ang Iyong Gastusin
Tingnan kung maibabalik sa iyo ang pera mo para sa iyong mga gastusin sa kalusugan o wellness. Gamitin ang interactive na Gabay sa Gastusing Kwalipikado sa SF MRA para hanapin ang iyong gastusin at alamin kung sinasaklaw ito.
4. Kolektahin ang Iyong Mga Dokumento
Bago ka magsumite ng claim para sa reimbursement, kolektahin ang sumusunod na impormasyon:
- Iyong SF MRA account number. Ang numerong ito ay natatanging ID na nagsisimula sa 910 na itinalaga sa iyo sa Welcome Letter ng SF MRA para sa iyo.
- Ang uri ng (mga) bilihin o serbisyo na ibinigay.
- Ang petsa ng pagbibigay ng (mga) bilihin o serbisyo.
- Ang halagang binayaran mo.
- Patunay ng iyong pagbabayad, tulad ng resibo.
- Ang pangalan ng kung kanino mo ibinayad ang halaga. Maaaring ito ang pangalan ng store o ng medikal na provider.
Kung kailangan mo ng tulong sa pag-alala ng iyong account number, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng HealthEquity/EZ Receipts sa
5. Ipadala ang Iyong Claim
Pagpasyahan kung alin sa apat na paraan para magpadala ng SF MRA claim ang pinakamadali para sa iyo. Maaari kang maghain ng claim online, sa mobile app, sa pamamagitan ng koreo, o sa pamamagitan ng fax.
Bisitahin ang aming page na Paano Maghain ng Mga Claim upang matuto pa.
Para sa iba pang sagot sa mga madalas itanong, bisitahin ang aming page na Mga FAQ.