Limang Dahilan upang Isapriyopridad ang Iyong Sekswal na Kalusugan

Ang sekswal na kalusugan ay tumutukoy sa pangangalaga ng iyong mga reproductive system at sa sekswal na function at kagalingan na nararanasan mo sa bawat yugto ng buhay. Ang pagkakaroon ng magandang sekswal na kalusugan ay kasinghalaga ng pagpapanatili ng iyong pisikal at mental na kalusugan.

Narito ang limang dahilan kung bakit mahalaga ang iyong sekswal na kalusugan:

  1. 1. Ang kalidad ng iyong sekswal na kalusugan ay konektado sa kalidad ng iyong mga relasyon.
  2. 2. Ang pag-asikaso sa iyong sekswal na kalusugan ay makakatulong sa iyo na magkaroon at magpanatili ng tiwala at komunikasyon sa iyong mga relasyon.
  3. 3. Ang pag-aalaga nang mabuti sa iyong katawan at kalusugan ay isang paraan ng pangangalaga sa sarili. Ang pag-asikaso sa iyong sekswal na kalusugan ay nagpapakita rin ng pagiging responsabe at pag-aalaga mo sa iba.
  4. 4. Ang pakikipag-usap tungkol sa iyong sekswal na kalusugan sa isang doktor o kapareha ay makakatulong sa iyo na makumpirma at maipahayag ang iyong pagkakakilanlan o sekswal na oryentasyon.
  5. 5. Ang pag-aalaga sa iyong sekswal na kalusugan ay nagpapanatili sa kaligtasan mo at ng mga taong nakakatalik mo mula sa mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik (mga STI), gaya ng HIV, chlamydia, gonorrhea, at human papillomavirus (HPV).

Anong mga gastusin sa sekswal na kalusugan ang sasagutin mula sa mga pondo ng SF MRA?

Maaari mong gamitin ang iyong mga pondo sa SF MRA upang mai-reimburse sa iyo ang nagastos sa mga pagbisita sa doktor, pagsusuri sa laboratoryo, inireresetang gamot, at maraming over-the-counter na gamot o supply.

Kasama sa iba pang saklaw na gastusin ang:

  • Pagpigil sa pag-aanak, kabilang ang mga condom, spermicide, at pill contraceptive.
  • Mga produkto para sa hygiene ng babae tulad ng mga pad, tampon, at cervical cup.
  • Mga screening at paggamot sa kanser sa suso at cervix.
  • Pagpaplano ng pamilya.
  • Pangangalaga bago at pagkatapos ng pagbubuntis.
  • Mga pagpapalaglag.
  • Pagsusuri at mga paggamot sa mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik (mga STI).
  • Mga gynecological exam at pap smear.
  • Gender-affirming na pangangalaga.
  • Mga serbisyo ng therapy at pagpapayo.

Bisitahin ang aming Page ng Kwalipikadong Gastos para makita kung ano pa ang saklaw.