
Maghanap ng Pondo para sa Pangangalaga sa Kalusugang Sekswal
Higit sa pisikal na kalusugan ang kalusugang sekswal. Saklaw din nito ang iyong emosyonal, mental, at panlipunang kalusugan. Kasama sa kalusugang sekswal ang mga bagay tulad ng pag-alam sa iyong kalagayan kaugnay ng mga impeksyong naipapasa sa pakikipagtalik (Sexually Transmitted Infections, STI) at pagpaplano ng pamilya.
Makipag-usap, Magpasuri at Magpagamot: 3 Hakbang para sa Kalusugang Sekswal
Makakatulong ang “tatlong M” na ito na mapahusay ang iyong kalusugang sekswal at kagalingan:
1. Makipag-usap
Maging tapat sa pakikipag-usap tungkol sa iyong kalusugang sekswal sa iyong mga kapareha at provider ng pangangalagang pangkalusugan. Makakatulong sa iyo ang pakikipag-usap na makabuo ng tiwala sa iyong mga relasyon at makuha ang kailangan mong pagpapagamot.
2. Magpasuri
Kung aktibo ka sa pakikipagtalik, regular na magpasuri para sa mga STI. Kabilang sa mga STI ang HIV/AIDS, chlamydia, gonorrhea, at human papillomavirus (HPV). Ang pagpapasuri ay makatutulong sa iyo at sa iyong mga kapareha na manatiling ligtas at malusog.
3. Magpagamot
Makipag-usap sa iyong doktor o mga provider kung kailangan mo ng paggamot para sa isang STI. Maaari ka ring makipag-usap sa doktor mo tungkol sa iba pang mga serbisyo para sa kalusugang sekswal, gaya ng pagkontrol sa pagbubuntis, pagpaplano ng pamilya, pangangalaga sa pagpapalaglag, at iba pa.
Mga Saklaw na Gastusin sa Kalusugang Sekswal
Kung ikaw ay dati o kasalukuyang manggagawa sa SF, maaari kang maging kwalipikado para sa isang San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA). Matutulungan ka ng isang SF MRA na mabayaran muli ang mga nagastos mo o ng iyong pamilya para sa pangangalagang pangkalusugan. Tingnan ang Funds Finder para makuha ang mga pondo mo ngayon!
Sa pamamagitan ng isang SF MRA, maaari kang makatanggap ng bayad pabalik para sa mga gastusin sa pangangalaga sa kalusugang sekswal gaya ng:
- Pagkontrol sa pagbubuntis
- Pagsusuri at paggamot para sa STI
- Pagpaplano ng pamilya
- Pangangalaga sa pagpapalaglag
- At marami pang iba!
Tingnan ang kumpletong listahan ng mga kuwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan upang malaman kung ano pa ang saklaw.