
Gamitin ang Mga Pondo sa SF MRA para Protektahan ang Iyong Balat Laban sa Araw
Ang kanser sa balat ay ang pinakakaraniwang kanser sa United States at sa mundo. Isa sa 5 Amerikano ang nagkakaroon ng kanser sa balat sa edad na 70 taong gulang.
Karamihan sa mga kanser sa balat ay idinudulot ng sobra-sobrang exposure sa ultraviolet (UV) light na mula sa araw. Hindi nakikita ang mga UV ray at maaaring makapinsala ang mga ito sa mga skin cell. Maaaring magmula ito sa:
- Araw
- Mga tanning bed
- Mga sunlamp
Mahalaga ang proteksyon laban sa mga UV ray buong taon, hindi lang sa panahon ng tag-init. Malakas pa rin ang mga UV ray kahit sa mga maulap at malamig na araw. Nagre-reflect ang mga UV ray sa mga surface na tulad ng tubig, semento, buhangin, at niyebe.
Paano mapoprotektahan ang iyong balat laban sa araw:
- Gumamit ng sunscreen na nagfi-filter sa mga UVA at UVB ray at mayroong sun protection factor (SPF) na 15 o higit pa.
- Manatili sa lilim ng payong, puno, o iba pang masisilungan kapag nasa labas.
- Magsuot ng pamprotektang damit damit gaya ng mga long-sleeved shirt, pantalon, palda, o bestida.
- Magsuot ng sumbrero na may brim na tumatakip sa iyong mukha, mga tainga, at likod ng iyong leeg.
- Gumamit ng sunglasses para protektahan ang iyong mga mata, gumamit ng sunglasses na humaharang sa mga UVB at UVA ray.
- Gamitin ang mga pondo sa SF MRA para makakuha ng money back sa kwalipikadong gastos sa tag-init
Maaari mong gamitin ang iyong mga pondo sa SF MRA para ma-reimburse ang gastos sa:
- Mga sunscreen
- Mga pagpunta sa dermatologist para sa mga checkup ng balat
- Mga pagpapatingin sa doktor
- Mga screening ng kanser
- Mga pagsubok sa lab at mga bayarin
Bisitahin ang aming Page ng Kwalipikadong Gastos para makita kung ano pa ang saklaw.