Pagpapanatili ng Iyong SF MRA na Aktibo

Nagtatrabaho ka ba sa San Francisco?

Kwalipikado ang ilang manggagawa sa San Francisco para sa benepisyong pangkalusugan na tinatawag na San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA). Para sumunod sa mga batas ng SF, naglagay ang iyong dati o kasalukuyang employer ng mga pondo sa SF MRA para sa iyo. Tingnan kung mayroon kang mga pondong naghihintay para sa iyo sa isang SF MRA.

Alamin Pa ang Tungkol sa Iyong Mga Pondo sa SF MRA

Magagamit mo at ng iyong pamilya ang mga pondo sa SF MRA para mabawi ang pera para sa maraming sinasaklaw na gastusin sa kalusugan at wellness. Pagmamay-ari mo ang mga pondong ito kahit na:

  • May iba kang pangangalagang pangkalusugan
  • Magpapalit ka ng trabaho
  • Aalis ka sa estado o bansa

Pero dapat mong panatilihing aktibo ang account mo para patuloy na magamit ang iyong mga pondo.

Bakit Kailangan Mong Panatilihing Aktibo ang Iyong SF MRA

Isasara ng Lungsod at County ng San Francisco ang anumang SF MRA na hindi aktibo sa loob ng tatlong taon.

Gusto naming tumulong na panatilihing bukas ang iyong account para magamit mo ang iyong mga pondo. Ang ilang abiso ng SF MRA ay may kasamang petsa kung kailan dapat mong “Gastusin Ang Iyong Mga Pondo Bago” sumapit ito. Ang petsang ito ay palaging tatlong taon pagkatapos ng iyong huling aktibidad sa account. Ang petsang ito ay nagre-reset pagkatapos ng bagong aktibidad sa iyong account.

Ano ang Kabilang sa Aktibidad sa Account?

Maraming bagay ang nakakatulong na panatilihing aktibo ang iyong account, tulad ng:

Makakatanggap ka ng abiso sa pamamagitan ng koreo o email nang hanggang apat na beses kada taon. Nakalagay sa abisong ito ang balanse ng iyong available na mga pondo sa SF MRA.

Ano ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ng Iyong SF MRA?

Ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng iyong SF MRA ay ang petsa kung kailan unang naglagay ng pondo ang iyong employer sa iyong SF MRA. Maaari kang maghain ng mga claim para sa mga sinasaklaw na gastusin sa kalusugan simula sa petsang ito.

Kahit na ngayon mo lang nalaman na mayroon kang mga pondo sa isang SF MRA, maaari kang maghain ng mga claim mula sa iyong petsa ng pagkakaroon ng bisa. Simulang gamitin ngayon ang iyong SF MRA para masaklaw ang iyong mga gastusin sa kalusugan!

Bisitahin ang aming FAQs na page para alamin pa ang tungkol sa iyong SF MRA.