Makakuha ng Reimbursement para sa Mga Gastusing Pangkalusugan at Pang-wellness
Bago ka magpadala ng claim, kakailanganin mo ang impormasyong ito:
- IAng uri ng pagbili o (mga) serbisyong kinuha mo
- Ang petsa na nakuha mo ang pagbili o (mga) serbisyo
- Ang halagang binayaran mo
- Patunay ng iyong pagbabayad (tulad ng resibo)
- Kung kanino mo binayaran ang halaga (ang pangalan ng tindahan o provider)
*Ang iyong account number ay ang espesyal na ID na nagsisimula sa 910 na ibinigay sa iyo sa Liham ng Pagbati ng SF MRA para sa iyo.
Apat na Paraan para Magsumite ng Claim sa SF MRA
Magagamit mo ang iyong mga pondo sa SF MRA sa pamamagitan ng pagpapadala ng claim online. O, maaari kang magpadala ng claim sa iyong smartphone sa pamamagitan ng HealthEquity/EZ Receipts app. Maaari ka ring magpadala ng claim sa pamamagitan ng koreo o fax.
1. Online:
Bumisita sa participant.wageworks.com/sfmra. Punan ang form ng claim at ilagay ang iyong (mga) resibo online.
Upang matuto pa tungkol sa mga hakbang na ito, tingnan ang Gabay para sa User sa Pagsusumite ng Mga Online na Claim.
2. Mobile App:
DI-download ang libreng HealthEquity/EZ Receipts app mula sa Google Play Store o Apple App Store.
- Mag-log in sa iyong account sa pamamagitan ng app.
- Punan ang form ng claim at i-upload ang mga larawan ng iyong mga resibo.
- I-click ang “Isumite ang Claim” upang ipadala ang iyong claim.
Upang matuto pa tungkol sa mga hakbang na ito, tingnan ang Gabay sa User ng Mobile App para sa Proseso ng Mga Claim.
3. By Mail:
Kolektahin ang iyong mga resibo para sa (mga) gastusin sa pangangalagang pangkalusugang binayaran mo. Punan ang form ng claim . Huwag kalimutang lagdaan ang form.
Ipadala sa pamamagitan ng mail ang form ng claim at ang iyong (mga) resibo sa:
Claims Administrator
P.O. Box 14857
Lexington, KY, 40512
4. Sa pamamagitan ng FAX:
- Kolektahin ang iyong mga resibo para sa (mga) gastusing binayaran mo.
- Punan ang form ng claim. Huwag kalimutang lagdaan ang form.
- I-fax ang iyong sinagutang form ng claim at (mga) resibo sa numero ng fax na 1(866) 599-3058.
Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng HealthEquity/EZ Receipts sa 1(866) 697-6078 para sa tulong sa paghahanap ng iyong account number at para sa tulong sa proseso ng mga claim.
Maaaring abutin nang 7-10 araw ng trabaho bago kumpirmahin muna ang iyong bank account kapag gagamit ng direct deposit.
Gaano Katagal ang Aabutin Nito?
Kung maaprubahan ang iyong claim, makukuha mo ang iyong pera sa loob ng 3-5 araw ng trabaho.
Direct Deposit
Kung pinili mo ang direct deposit, magiging available sa iyong bank account ang mga pondo sa loob ng 3-5 araw ng trabaho.
Mga Update sa Email
Kung ibinigay mo ang iyong email address, makakatanggap ka ng mga update sa email.
Para sa mga sagot sa mga madalas itanong, bisitahin ang aming page na FAQs.