Paano Humingi ng Tulong sa SF MRA
HealthEquity/EZ Receipts
Ang HealthEquity/EZ Receipts ay isang hiwalay na kumpanya na nangangasiwa sa lahat ng reimbursement sa SF MRA.
Kailan dapat makipag-ugnayan sa HealthEquity/EZ Receipts:
- Para sa lahat ng tanong tungkol sa proseso ng mga claim at reimbursement.
- Para tingnan ang status ng iyong claim.
- Para sa mga tanong tungkol sa iyong online account. Halimbawa, kung sumali ka sa SF MRA ngunit hindi ka makagawa ng online account.
- Para tingnan ang iyong balanse sa SF MRA.
- Kung wala kang online account, maaari kang tumawag sa HealthEquity/EZ Receipts para tingnan ang iyong balanse sa account.
Tumawag sa HealthEquity/EZ Receipts sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong balanse sa account online sa participant.wageworks.com/sfmra.
Ano pa ang dapat malaman tungkol sa HealthEquity/EZ Receipts?
Maniningil ang HealthEquity/EZ Receipts ng $3.15/buwan sa lahat ng SF MRA account, ginagamit man ang mga ito o hindi.
SF City Option
Ang San Francisco City Option ang nangangasiwa sa pangongolekta ng mga pondo ng employer sa SF MRA sa ngalan ng Lungsod at County ng San Francisco.
Kailan dapat tumawag sa SF City Option:
- Para baguhin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, gaya ng iyong mailing address.
- Para humingi ng tulong sa pagpapadala ng iyong Form ng Enrollment sa SF MRA.
- Upang mag-iskedyul ng appointment para sa libre, kumpidensyal na tulong sa pag-claim.
Makipag-ugnayan sa SF City Option sa 1(877) 772-0415 o mag-email sa amin sa [email protected] upang malaman pa.
Kung mayroon kang feedback tungkol sa aming programa, punan ang form na ito.