Pagpapanatili sa mga Manggagawa ng San Francisco na Malusog sa Pamamagitan ng SF MRA
Pinapayagan ng San Francisco City Option ang masisipag na empleyado sa San Francisco na ma-access ang pera para sa insurance sa kalusugan at iba pang gastusing may kaugnayan sa kalusugan sa pamamagitan ng benepisyo sa San Francisco Medical Reimbursement Account
Ang perang idineposito sa isang SF MRA ay magagamit upang ma-reimburse ka, ang iyong asawa o kinakasama, at ang iyong mga dependent para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang Epekto ng SF MRA
Binayaran na ng SF MRA ang mga manggagawa ng mahigit $500 milyon sa mga gastusing may kaugnayan sa kalusugan.
Magagamit ang SF MRA sa maraming gastusin, serbisyo, at produktong may kaugnayan sa kalusugan.
Magagamit din ng iyong pamilya ang mga pondong ito para sa kanilang mga kwalipikadong gastusing may kaugnayan sa kalusugan.
Naglalagay ng mga pondo ang iyong employer sa SF MRA mo para magamit mo ito. 100% pinopondohan ng iyong employer ang SF MRA mo.
Panoorin ang video upang malaman pa ang tungkol sa SF MRA.