SF City Option: Ang Programang City Option ay isang opsyon upang matugunan ng Mga Employer ang Employer Spending Requirement ng San Francisco Health Care Security Ordinance (HCSO) o Healthy Airport Ordinance (HAO).
Covered California: Ang Covered California ay isang merkado ng insurance sa kalusugan na nagbibigay-daan sa mga taga-California na paghambingin ang, pumili ng, at magpatala sa, mga plano ng insurance sa kalusugan. Ang mga indibidwal na may kita ng sambahayang nasa pagitan ng 138% at 400% ng Federal Poverty Level ay maaaring kwalipikado para sa mga tax credit upang makatulong na gawing mas abot-kaya ang kanilang insurance sa kalusugan.
Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalagang Pangkalusugan: Mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement mula sa isang SF MRA.
Kumpirmasyon ng Pagbabayad sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Empleyado: Iniaatas ng Health Care Security Ordinance ang Mga Employer na kalahok sa Programang City Option na magbigay sa Empleyado ng Abiso ng Kumpirmasyon ngPagbabayad sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Empleyado matapos ang unang pagbabayad ng Employer sa Programang City Option sa ngalan ng Empleyado.
Employer Spending Requirement: Iniaatas ng Employer Spending Requirement ng Health Care Security Ordinance na gumawa ang bawat Saklaw na Employer ng minimum na paggastos sa pangangalagang pangkalusugan para sa bawat Saklaw na Empleyado. Tinutukoy ang minimum na halaga ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan nang kada quarter sa pamamagitan ng pag-multiply ng kabuuang bilang ng mga oras na binayaran sa Empleyado sa naaangkop na rate ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan.
Employer Portal: Ang Employer Portal ay isang web application kung saan makakapagsumite ang Mga Employer na kalahok sa Programang City Option ng mga listahan na tumutukoy sa Mga Empleyadong malalapatan ng mga pagbabayad sa pangangalagang pangkalusugan sa ngalan nila
Health Care Security Ordinance: Iniaatas ng San Francisco Health Care Security Ordinance (HCSO) sa Mga Saklaw na Employer na tumugon sa isang Employer Spending Requirement sa pamamagitan ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang Mga Saklaw na Empleyado, bukod sa iba pang hinihiling na pag-ulat at pag-abiso. Ang San Francisco Office of Labor Standards Enforcement ang responsable sa pagpapatupad sa mga iniaatas ng HCSO sa employer.
Healthy Airport Ordinance: Iniaatas ng San Francisco Healthy Airport Ordinance (HAO) sa Mga Saklaw na Employer na magbigay sa mga empleyadong saklaw ng Quality Standards Program ng SFO ng pampamilyang insurance sa kalusugan na tumutugon sa mga kinakailangan sa pagsunod, nang libre para sa empleyado, o na magbayad ng partikular na halaga sa ngalan ng empleyado sa SF City Option. Maaaring pumili ang mga employer ng opsyong gagamitin nila para sumunod. Ang San Francisco Office of Labor Standards Enforcement ang responsable sa pagpapatupad sa mga iniaatas ng HAO sa employer.
Medical Reimbursement Account: Ang mga pondo sa isang Medical Reimbursement Account (MRA) ay magagamit para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na babayaran ng Empleyado, ng asawa o kinakasama ng Empleyado, at ng mga dependent ng Empleyado. Para sa kumpletong listahan ng mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement tingnan ang gabay.
Claim sa MRA: Ang isang Empleyado na may Medical Reimbursement Account ay maaaring magsumite ng mga claim para sa reimbursement ng mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan.
Office of Labor Standards Enforcement: Ang San Francisco Office of Labor Standards Enforcement ay responsable sa pagpapatupad ng mga iniaatas sa Employer ng Health Care Security Ordinance at ng Healthy Airport Ordinance.
San Francisco Department of Public Health (SFDPH): Ang SFDPH ay isang entidad ng pamahalaan na pinapatakbo ng Lungsod at County ng San Francisco. Ang San Francisco Health Plan ay ang third-party na tagapangasiwa ng SF City Option, at ng SF MRA sa ngalan ng SFDPH.
Form ng Pagpapatala sa SF MRA: Isang form na isinumite ng Mga Empleyado upang alamin kung kwalipikado para sa, at upang magbukas ng SF MRA sa pamamagitan ng SF City Option. Maaaring kwalipikado ang isang Empleyado kung nagbayad ang kanyang Employer sa aming programa sa ngalan niya.
SF MRA: Isang programa mula sa Lungsod at County ng San Francisco na nagbibigay-daan sa mga kwalipikadong empleyado na makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na binayaran nila at ng kanilang pamilya. Maaaring gamitin ang mga pondo sa isang SF MRA para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan. Para sa kumpletong listahan ng mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement tingnan ang gabay.