Talahulugan ng mga Salita

Mahahalagang Salitang Dapat Malaman sa SF MRA

Ang Covered California: Ang Covered California ay isang marketplace ng insurance sa kalusugan na nagbibigay-daan sa Californians na paghambingin ang, pumili ng, at magpatala sa mga plano ng insurance sa kalusugan. Ang mga indibidwal na may partikular na kita ng sambahayan ay maaaring maging kwalipikado para sa mga tax credit upang makatulong na gawing mas abot-kaya ang kanilang insurance sa kalusugan.

Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalagang Pangkalusugan: Mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement mula sa isang SF MRA.

Kumpirmasyon ng Pagbabayad para sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Empleyado: Ipinag-aatas ng Health Care Security Ordinance sa mga Employer na kalahok sa Programang City Option na magbigay sa Empleyado ng Abiso sa Kumpirmasyon ng Pagbabayad sa Pangangalagang Pangkalusugan. Ipinababatid ng abiso sa Empleyado na nagsagawa ang Employer ng una nitong pagbabayad sa City Option Program para sa Empleyado.

HealthEquity/WageWorks: Ang HealthEquity/WageWorks ay isang independiyenteng kumpanya na nangangasiwa sa lahat ng claim sa SF MRA para sa reimbursement.

Health Care Security Ordinance: Ipinag-aatas ng San Francisco Health Care Security Ordinance (HCSO) sa Mga Saklaw na Employer na tumugon sa isang Employer Spending Requirement sa pamamagitan ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang Mga Saklaw na Empleyado, bukod sa iba pang kinakailangan sa pag-uulat at abiso. Ang San Francisco Office of Labor Standards Enforcement ay responsable para sa pagpapatupad ng mga kinakailangan sa employer ng HCSO.

Healthy Airport Ordinance: Ipinag-aatas ng San Francisco Healthy Airport Ordinance (HAO) sa Mga Saklaw na Employer na magbigay sa mga empleyadong saklaw ng Quality Standards Program ng SFO’s ng pampamilyang insurance sa kalusugan na tumutugon sa mga kinakailangan sa pagsunod, nang libre para sa empleyado, o na magbayad ng partikular na halaga sa ngalan ng empleyado sa SF City Option. Maaaring pumili ang mga employer ng opsyong gagamitin nila para sumunod. Ang San Francisco Office of Labor Standards Enforcement ay responsable para sa pagpapatupad ng mga kinakailangan sa employer ng HAO.

Medical Reimbursement Account: Ang mga pondo sa isang Medical Reimbursement Account (MRA) ay magagamit para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na babayaran ng Empleyado, ng asawa o kinakasama ng Empleyado, at ng mga dependent ng Empleyado. Ang ilan sa mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement ay mga premium sa insurance sa kalusugan (kabilang ang insurance sa kalusugan na binili sa pamamagitan ng Covered California at iba pang marketplace ng insurance sa kalusugan), pagpapatingin sa tanggapan ng doktor, serbisyo sa ngipin, serbisyo sa paningin, at gamot na inirereseta at over-the-counter.

Kalahok: Kung mayroon kang benepisyo sa SF MRA, isa kang “participant” sa programang SF City Option.

Office of Labor Standards Enforcement: Ang San Francisco Office of Labor Standards Enforcement ay responsable sa pagpapatupad ng mga ipinag-aatas sa Employer ng Health Care Security Ordinance at ng Healthy Airport Ordinance.

SF City Option: Ang City Option Program ay isang opsyon para sa mga Employer upang sumunod sa Employer Spending Requirement na ipinag-aatas ng San Francisco Health Care Security Ordinance (HCSO). Ang SF City Option ay isa ring paraan upang sumunod ang mga Employer sa Healthy Airport Ordinance (HAO) para sa Mga Saklaw na Empleyado sa San Francisco International Airport.

San Francisco Department of Public Health (SFDPH): Ang SFDPH ay isang entidad ng pamahalaan na pinapatakbo ng Lungsod at County ng San Francisco. Ang San Francisco Health Plan ay ang third party administrator (TPA) ng SF City Option, at SF MRA sa ngalan ng SFDPH.

Funds Finder ng SF MRA: isang madaling gamitin, web-based na tool na maaaring makatulong sa mga manggagawa ng San Francisco na malaman kung sila ay kwalipikado para sa isang medikal na reimbursement account (SF MRA) na pinopondohan ng isang kasalukuyan o dating employer.

Form ng Pagpapatala sa SF MRA: Isang form na isinusumite ng mga Empleyado upang matukoy kung kwalipikado sila para sa SF MRA sa SF City Option. Maaaring kwalipikado ang isang Empleyado kung nagbayad ang kanyang Employer sa aming programa para sa kanya.

SF MRA: Isang benepisyo mula sa Lungsod at County ng San Francisco na nagbibigay-daan sa mga kwalipikadong empleyado na makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na binayaran nila at ng kanilang pamilya. Maaaring kwalipikado para sa SF City Option ang mga empleyadong may mga kontribusyon ang employer sa SF MRA. Maaaring gamitin ang mga pondo sa SF MRA para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang gastusing mula sa sariling bulsa na nauugnay sa mga produkto at serbisyo sa pangangalagang medikal, pangangalaga ng ngipin, at pangangalaga ng paningin. Ang SF MRA ay hindi bahagi ng programang Heathy San Francisco.