Sa San Francisco, dapat mag-alok ang mga employer ng mga benepisyo sa kalusugan para sa mga manggagawa upang sumunod sa mga lokal na batas. Ang San Francisco City Option (SF City Option) ay isang programa sa benepisyong pangkalusugan na iniaalok ng mga employer sa mga manggagawa upang matugunan ang mga lokal na batas na iyon.
Ano ang SF MRA?
Ang iyong San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA) ay benepisyo ng SFCO. Ang mga pondo sa isang SF MRA ay nagmumula sa iyong employer. Magagamit ang mga pondo upang mabayaran ka at ang iyong pamilya para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalagang pangkalusugan.
- Magagamit mo ang mga pondo sa iyong SF MRA account kahit makakuha ka ng bagong trabaho o kahit lumipat ka ng tirahan. Magiging pribado pa rin ang kasaysayan at mga rekord ng kalusugan mo.
- Dapat kang magpadala ng kahit isang claim sa SF MRA sa loob ng 36 na buwan upang mapanatiling aktibo ang iyong account. Kung hindi ka magpapadala ng claim sa panahong iyon, magsasara ang iyong account.
Paano Gumagana ang SF MRA?
- Magdedeposito ng mga pondo sa SFCO ang mga employer sa programa para sa kanilang mga empleyado.
- Dapat kang bigyan ng iyong employer ng Abiso sa Pagkumpirma sa Pagbabayad sa Pangangalagang Pangkalusugan para ipaalam sa iyo ang mga pondong inilagay niya sa iyong SF MRA.
- Hindi mo magagamit ang iyong mga pondo hanggang sa magpatala ka sa benepisyo ng SF MRA.
- Kung maaaprubahan ang iyong pagpapatala, makakatanggap ka ng liham ng pagbati na may mahahalagang detalye.
- Gumawa ng online account sa HealthEquity/EZ Receipts (para lang sa mga online na user).
- Kapag aktibo na ang iyong account, maaari kang magpadala ng claim sa HealthEquity/EZ Receipts. Pagkatapos ay mababawi mo ang pera mula sa mga pondo sa iyong SF MRA.
Pinapangasiwaan ng HealthEquity/EZ Receipts ang lahat ng reimbursement. Magiging handa ang iyong mga pondo sa loob ng 3-5 araw ng trabaho. Ipinapadala ang mga pondo sa pamamagitan ng direct deposit sa iyong bank account, o sa pamamagitan ng tseke.
Kwalipikado ba Ako
Tingnan ang Funds Finder ng SF MRA upang makita kung mayroon kang mga pondo na makakatulong para maging malusog ka at ang iyong pamilya.
Saan Magagamit ang Mga Pondo?
Mga Pagpapatingin sa Doktor
Mga Inireresetang Gamot
Iba pang Gastusing Pangkalusugan