Patakaran sa Pagkapribado

May Bisa simula Oktubre 12, 2016

Lubos kaming naninindigan sa pagprotekta sa pagkapribado ng inyong personal na impormasyon. Ang patakaran sa pagkapribado na ito (“Patakaran sa Pagkapribado) ay nalalapat sa sfcityoption.org Website (“Website”) na ginawa at minementina ng San Francisco Health Plan, ang tagapangasiwa ng Programang San Francisco City Option, at bahagi ng aming abiso sa inyo tungkol sa aming mga patakaran sa pagkapribado. Para sa mga layunin ng Patakaran sa Pagkapribado, ang mga salitang “SFHP,” “kami” “amin,” at “namin” ay tumutukoy sa San Francisco Health Plan at mga affiliate nito.

Itinakda namin ang Patakaran sa Pagkapribado upang ipaalam sa inyo ang mga uri ng personal na impormasyon na maaari naming kunin sa inyong pagbisita sa Website, bakit namin kinukuha ang inyong impormasyon, para saan namin ginagamit ang inyong personal na impormasyon, at kailan namin maaaring ihayag ang inyong personal na impormasyon.

Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng Website, tinatanggap ninyo ang mga patakarang inilalarawan sa aming Patakaran sa Pagkapribado. Kung hindi kayo sumasang-ayon sa mga tuntunin ng Patakaran sa Pagkapribado na ito, mangyaring huwag gamitin ang Website at umalis na kaagad dito.

1. Personal na Impormasyon.

Kapag nagla-log in kayo sa aming Website at nakikipag-ugnayan kayo sa amin sa pamamagitan ng aming site, hindi namin kinokolekta ang personal na impormasyon tungkol sa inyo maliban na lang kung kusang-loob ninyong ibibigay sa amin ang mga ito. Ang personal na impormasyon (“Personal na Impormasyon”) ay anumang impormasyon o data na natatangi sa isang indibidwal gaya ng pangalan, social security number, address, email address, petsa ng kapanganakan, atbp. May mga bahagi ang aming Website kung saan maaari kayong magbigay sa amin ng Personal na Impormasyon upang maihatid ang mga hinihiling na materyal, produkto o serbisyo sa inyo, magsumite ng karaingan, tumugon sa inyong mga tanong, o mabigyang-daan kayong mag-update ng impormasyon. Bukod dito, maaaring hilingin ang pagpaparehistro at kolektahin ang Personal na Impormasyon sa mga partikular na bahagi ng Website kung saan partikular at sinasadya ninyong ibigay ang naturang impormasyon (hal., pagpaparehistro sa subscription, mga suhestyon, o mga kahilingan sa customer service).

2. Paggamit ng Personal na Impormasyon.

Ginagamit lang ang Personal na Impormasyon na gaya ng inilalarawan dito. Hindi namin ibinebenta, nililisensyahan, ipinapadala o inihahayag ang Personal na Impormasyon na ibinibigay ninyo sa amin sa labas ng Programang San Francisco City Option maliban kung para sa mga layunin ng paggamot, pagbabayad, mga pagpapatakbo ng pangangalagang pangkalusugan, pakikipag-ugnayan sa inyo, sa mga nakakontratang ahente na nagbibigay ng mga serbisyong sumusuporta sa pagpapatakbo sa ProgramangSan Francisco City Option o kapag hinihingi ng batas, at isinasagawa ang anumang naturang paghahayag ng anumang Personal na Impormasyon nang naaayon sa mga parametro ng mga naaangkop na batas at regulasyon. Mangyaring sumangguni sa seksyon 14 na “Abiso tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado para sa Impormasyong Pangkalusugan” para sa higit pang detalyadong paliwanag sa limitadong paggamit ng inyong Personal na Impormasyon. Kinakailangan ang inyong pahintulot sa anupamang paggamit ng inyong Personal na Impormasyon na hindi inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado.

3. Walang Pagkakakilanlang Impormasyon.

Sa pamamagitan ng paggamit ninyo sa Website, maaari rin kaming kumuha ng ilang partikular na impormasyon na hindi tumutukoy sa inyo bilang indibidiwal (“Walang Pagkakakilanlang Impormasyon”). Sa pangkalahatan, kinokolekta ang impormasyong ito sa pamamagitan ng “data ng trapiko” at maaaring kasama dito ang paggamit ng “Cookies,” “mga IP Address” o iba pang numerong code na ginagamit upang tukuyin ang isang computer.

4. Paggamit ng Walang Pagkakakilanlang Impormasyon.

Ginagamit namin ang Walang Pagkakakilanlang Impormasyon upang tulungan kaming magpasya kung paano ginagamit ng mga tao ang mga bahagi ng Website at kung sino ang aming mga mambabasa upang mapahusay namin ang aming Website at matiyak na kaaya-aya ito sa maraming tao hangga’t maaari. Ginagamit rin namin ang Walang Pagkakakilanlang Impormasyon upang magbigay ng pinagsamang-samang pang-istatistikang impormasyon sa “mga rating” sa aming mga partner at iba pang ikatlong partido tungkol sa kung paano sama-samang ginagamit ng mga user ang aming Website. Maaari rin naming gamitin o ibahagi ang Walang Pagkakakilanlang Impormasyon (o iba pang impormasyon, bukod sa Personal na Impormasyon) sa anupamang paraang sa tingin namin ay naaangkop o kinakailangan.

5. Mga Patakaran para sa mga Batang Wala Pang 13 Taong Gulang.

Hindi kami sadyang nangongolekta ng anumang impormasyon mula sa mga tao na wala pang 13 taong gulang, nang walang pahintulot ang magulang o legal na tagapag-alaga ng bata. Kung mapag-alaman namin na nagsumite ang inyong anak ng Personal na Impormasyon, at gusto ninyong hilingin na matanggal ang naturang impormasyon sa aming system, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa 1(415) 615-4500. Idinisenyo ang aming Website na para sa mga nasa hustong gulang. Hindi sinadya ang aming Website para sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Hindi dapat gamitin ng mga batang wala pang 13 taong gulang ang aming Website nang hindi muna humihingi ng pahintulot sa magulang.

6. Cookies.

Maaari kaming gumamit ng Cookies upang maihatid ang ilan sa mga serbisyo sa aming Website. Ang “Cookies” ay mga piraso ng impormasyon na inililipat ng isang website sa hard disk ng inyong computer para sa mga layunin ng pagtatabi ng rekord. Mas pinadadali ng cookies ang pag-surf sa web para sa inyo sa pamamagitan ng pag-save ng inyong mga password, pagbili, at kagustuhan habang nasa Website namin kayo. Ang paggamit ng Cookies ay karaniwan sa industriya ng internet, at maraming malalaking website ang gumagamit ng mga ito upang magbigay ng mga kapaki-pakinabang na feature para sa kanilang mga user. Hindi tinutukoy ng cookies ang pagkakakilanlan ng mga user, pero natutukoy ng mga ito ang computer ng user. Hindi kailanman gumagamit ng Cookies ang aming Website upang kumuha ng impormasyon mula sa inyong computer na hindi naman orihinal na ipinadala sa pamamagitan sa isang Cookie. Maliban sa inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, hindi namin ginagamit ang impormasyong naipadala sa pamamagitan ng Cookies para sa anumang layuning pampromosyon o marketing, at hindi rin ibinabahagi ang impormasyong iyon sa kahit sinong ikatlong partido.

7. Mga Internet Protocol Address.

Ang Internet Protocol Address (“IP Address”) ay isang numero na awtomatikong tumutukoy sa computer o machine na ginagamit ninyo upang i-access ang Internet. Nagbibigay-daan ang address sa aming server na maipadala sa inyo ang mga web page na gusto ninyong bisitahin. Maaari nitong ihayag ang server na pag-aari ng inyong Internet Service Provider. Ginagamit namin ang inyong IP Address upang makatulong sa pagtukoy ng mga problema sa aming server at upang masuportahan ang pangangasiwa sa aming site.

8. Spyware.

Hindi kami kailanman gumagamit o nag-i-install ng spyware sa inyong computer, at hindi rin kami gumagamit ng spyware upang kumuha ng impormasyon mula sa inyong computer.

9. Mga Ikatlong Partidong Ahente.

Paminsan-minsa’y nagkakaroon kami ng mga ikatlong partidong ahente, subsidiary, kaanib at mga joint venture na nagsasagawa ng mga tungkulin sa ngalan namin. Maaaring magkaroon ang mga entidad na ito ng access sa Personal na Impormasyon na kinakailangan upang maisagawa nila ang kanilang mga tungkulin at may obligasyon sila sa ilalim ng kontrata na panatilihin ang pagkakumpidensyal at seguridad ng naturang Personal na Impormasyon. Pinaghihigpitan sila sa paggamit o pagpapalit ng data na ito sa anumang paraan maliban para sa pagbibigay ng mga hinihiling na serbisyo sa Website.

10. Mga Link sa Iba Pang Website.

Nalalapat lang ang Patakaran sa Pagkapribado na ito sa Website ng San Francisco City Option, at hindi sa mga Website ng iba pang kumpanya o organisasyon kung saan maaaring naka-link kami. Kabilang sa mga link na ito ang mga link mula sa mga isponsor, partner at iba pa na hindi namin kontrolado. Maaaring isagawa ng iba pang site na ito ang pagpapadala ng sarili nilang cookies sa inyo, pagkolekta ng inyong data, o paghingi ng inyong personal na impormasyon. Maging alerto palagi kung saan kayo mapupunta. Wala kaming pananagutan sa mga pagkilos at patakaran sa pagkapribado ng mga ikatlong partido at iba pang Website. Hinihikayat namin kayong basahin ang naka-post na pahayag sa pagkapribado at mga tuntunin at kundisyon sa user sa tuwing gumagamit kayo ng iba pang Website.

11. Patakaran sa Seguridad.

Lubos naming pinagtutuunan ang kahalagahan ng seguridad para sa lahat ng Personal na Impormasyon na nauugnay sa inyo. Nag-iingat kaming mabuti sa pagsasagawa ng secure na pagpapadala ng inyong impormasyon mula sa inyong PC patungo sa aming mga server. Ang Personal na Impormasyong kinokolekta ng aming Website ay sino-store sa ligtas na operating environment na hindi available sa publiko. Gumagamit kami ng mga built-in na firewall (isang kumbinasyon ng computer hardware at software) upang pigilan ang mga hindi awtorisadong user mula sa pag-access ng impormasyon sa pamamagitan ng aming computer network. Mayroon kaming mga naaangkop na pamamaraang panseguridad sa aming mga pisikal na pasilidad upang magprotekta laban sa pagkawala, maling paggamit, o pagbabago ng impormasyon na nakolekta namin mula sa inyo sa aming site.

Para sa mga online na transaksyon sa pagbabayad, ipinapadala ang impormasyong ibinibigay sa amin gamit ang SSL (Secure Socket Layer) encryption. Ang SSL ay isang napatunayan nang system sa pag-code na nagbibigay-daan sa inyong browser na awtomatikong mag-encrypt, o mag-scramble, ng data bago ninyo ito ipadala sa amin. Hindi gagamitin ang impormasyon tungkol sa pagbabayad bukod sa mga transaksyong ginagawa sa site na ito at walang paghahayag na gagawin sa mga ikatlong partido maliban sa hinihingi para sa pagpoproseso ng online na pagbabayad o kung hindi naman ay hinihingi ng batas. Pinoprotektahan din namin ang impormasyon sa pamamagitan ng paglalagay nito sa isang secure na bahagi ng aming mga web site na naa-access lang ng mga partikular na kwalipikadong empleyado ng San Francisco Health Plan. Gayunpaman, sa kasamaang-palad ay walang paglilipat ng data sa Internet na 100% ligtas. Bagama’t nagsisikap kaming protektahan ang inyong impormasyon, hindi namin masisigurado o magagarantiya ang seguridad ng naturang impormasyon. Sino-store sa mga server na may limitadong access ang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan tungkol sa inyo. Pananatilihin namin ang mga pag-iingat upang protektahan ang seguridad ng mga server na ito at ng inyong impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan.

Ang mga empleyado lang na nangangailangan ng access sa inyong Personal na Impormasyon upang magawa nila ang kanilang mga trabaho ang binibigyan ng access, at lumagda ang bawat isa ng mga kasunduan sa pagkakumpidensyal. Ang sinumang empleyadong lalabag sa aming mga patakaran sa pagkapribado at/o seguridad ay isasailalim sa pandisiplinang pagkilos, kabilang ang posibleng pagkakatanggal sa trabaho at sibil at/o kriminal na paglilitis.
Nilalayon naming protektahan at panatilihing kumpidensiyal ang lahat ng impormasyong kusang ibinibigay sa amin sa pamamagitan ng Website, at tratuhin ang naturang impormasyon nang may parehong pagsasaalang-alang at pagkakumpidensyal tulad sa anumang impormasyong ipinadadala sa amin sa pamamagitan ng U.S. mail o ipinaparating sa amin sa pamamagitan ng telepono. Gayunpaman, dahil sa likas na katangian ng Internet, nahahadlangan kami sa paggarantiya sa pagkakumpidensyal ng impormasyon na natatanggap namin sa pamamagitan ng Website o email. Kung gusto ninyo, maaari kayong makipag-ugnayan na lang sa amin sa pamamagitan ng telepono sa 1(415) 615-4500.

12. Mga Pakikipag-ugnayan sa Aming Website.

Kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, sa mga patakaran ng Website na ito, o sa inyong mga transaksyon sa Website na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa:

San Francisco City Option
P.O. Box 194367 San Francisco, CA 94119-4367
info@sfcityoption.org

13. Mga Pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado.

Maaaring pana-panahon naming gawan ng pagsususog ang Patakaran sa Pagkapribado na ito. Ipo-post sa publiko sa bahaging ito ng Website ang mga naturang pagbabago. May responsibilidad kayong basahin ang Patakaran sa Pagkapribado ng Website sa tuwing gagamitin ninyo ang website na ito. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng website na ito, sumasang-ayon kayo sa anumang pagbabago sa aming Pakataran sa Pagkapribado ng Website.

14. Abiso tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado ng Impormasyong Pangkalusugan.

Ang San Francisco Health Plan, bilang isang kasamahan sa negosyo ng Departament of Publuc Health, ay inaatasan ng batas na gawing pribado ang inyong impormasyong pangkalusugan. Iniaatas rin sa amin na ipaalam sa inyo ang aming mga patakaran sa pagkapribado kaugnay ng inyong protektadong impormasyong pangkalusugan (PHI). Ang ibig sabihin ng PHI ay “protektadong impormasyong pangkalusugan (protected health information)” at gagamitin ito sa kabuuan ng abisong ito.

Paano ginagamit at ibinabahagi ng SFHP ang aking PHI?

Sino-store ng SFHP ang mga rekord na nauugnay sa kalusugan tungkol sa inyo, na kinabibilangan ng:

  • Impormasyon sa pagpapatala sa Healthy San Francisco; at
  • Anumang personal na impormasyon na kusang-loob ninyong ibinigay sa amin gaya ng inilalarawan sa itaas.

Ginagamit namin ang impormasyong ito at ibinabahagi ito sa iba para sa mga sumusunod na dahilan:

  • Paggamot. Ginagamit ng SFHP ang inyong PHI upang planuhin ang inyong pangangalagang pangkalusugan. Halimbawa, ibinabahagi namin ang inyong PHI sa mga ospital, klinika, doktor at iba pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan upang tulungan silang magbigay ng pangangalaga sa inyo.
  • Pagbabayad. Ginagamit at ibinabahagi ng SFHP ang inyong PHI upang bayaran ang mga natatanggap ninyong serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Halimbawa, sinasabi namin sa mga tagapagbigay ng serbisyo na kalahok kayo sa Healthy San Francisco, at sinasabi namin sa kanila ang tungkol sa inyong mga saklaw na serbisyo.
  • Mga Pagpapatakbo sa Pangangalagang Pangkalusugan. Ginagamit at ibinabahagi ng SFHP ang inyong PHI, kapag kinakailangan, upang tulungan kami bilang third-party na tagapangasiwa. Halimbawa, ginagamit namin ang PHI upang magbigay ng mga de-kalidad na pag-aaral sa Department of Public Health.
  • Mga Kontratista at Ahente. Ibinabahagi namin ang PHI sa aming mga kontratista at ahente na tumutulong sa amin sa mga gawaing nakalista sa itaas. Kinukuha ang mga kasunduan sa pagkakumpidensyal bago namin ibahagi ang impormasyon para sa mga layuning pagbabayad o pangnegosyo. Halimbawa, ang mga kumpanyang nagbibigay o nagmementina ng aming mga serbisyo sa computer ay maaaring magkaroon ng access sa mga computerized na PHI kapag nagkakaloob ng mga serbisyo sa amin.
  • Pakikipag-ugnayan sa Inyo. Maaari kaming makipag-ugnayan sa inyo upang magbigay ng mga paalalang pangkalusugan o impormasyon para sa muling pagpapatala. Maaari rin kaming makipag-ugnayan sa inyo tungkol sa iba pang serbisyong pangkalusugan.
  • Maaari bang makakuha ng impormasyon tungkol sa akin ang ibang mga taong kasama sa aking pangangalaga?

    Oo, kung sa palagay namin ay kinakailangan, maaari naming ilabas ang impormasyon sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya na awtorisadong maisama sa inyong pangangalaga, o nagbabayad sa inyong pangangalaga. Kabilang dito ang pagsagot sa mga tawag sa telepono tungkol sa pagiging kwalipikado.

    Maaari bang ibigay ang aking PHI nang walang pahintulot ko?

    Oo, maaari naming ibahagi ang PHI nang walang pahintulot ninyo. Ang PHI ay maaaring ibahagi sa mga ahensya ng pamahalaan at sa iba pa kapag inaatasan o pinahihintulutan kami ng batas. Ang sumusunod ay isang listahan kung kailan namin maaaring ibahagi ang inyong PHI nang walang pahintulot ninyo:

    • Mga paghahayag na hinihingi ng batas ng estado o pederal na pamahalaan.
    • Mga paghahayag sa mga ahensyang responsable para sa pamamahala sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan, para sa mga pag-audit, inspeksyon o imbestigasyon; o
    • Kapag nakatanggap ng isang kautusan ng korte.

    Mayroon bang anumang pagkakataon na hindi inilalabas ang aking PHI?

    Ang inyong PHI ay maaaring sakop sa ilalim ng mga batas na maaaring naglilimita o pumipigil sa ilang paggamit o paghahayag. Halimbawa, may mga limitasyon sa pagbabahagi ng PHI na nauugnay sa:

    • HIV/AIDS status
    • paggamot sa kalusugan ng pag-iisip,
    • mga kapansanan sa pagdebelop, at
    • paggamot sa paggamit ng droga at labis na pag-inom ng alak.

    Sumusunod kami sa mga limitasyong ito sa paggamit namin ng inyong PHI. Hindi namin pahihintulutan ang iba pang pagbabahagi o paggamit ng inyong PHI nang walang nakasulat na pahintulot ninyo. Gayunpaman, pakitandaan na hindi hawak ng SFHP ang anumang medikal na rekord.

    Ang Inyong mga Indibidwal na Karapatan

    Anong mga karapatan ang mayroon ako sa Programang San Francisco City Option?

    Mayroon kayo ng mga sumusunod na karapatan:

    • May karapatan kayong hilingin sa amin na limitahan ang ilang partikular na pagbabahagi at paggamit ng inyong PHI. Hindi inaatasan ang SFHP na sumang-ayon sa anumang paghihigpit na hinihiling ng mga kalahok sa San Francisco City Option.
    • May karapatan kayong hilingin sa amin na makipag-ugnayan lang sa inyo sa sulat o sa ibang address, post office box, o telepono. Tatanggapin namin ang mga kahilingan kapag kinakailangan upang protektahan ang inyong pagkapribado.
    • Kung naniniwala kayong mali ang impormasyon sa aming mga rekord, may karapatan kayong hilingin sa amin na baguhin ito. Maaari naming tanggihan ang inyong kahilingan. Kung tatanggihan ang kahilingan ninyo, may karapatan kayong magsumite ng pahayag na ilalagay sa rekord.
    • May karapatan kayong makakuha ng ulat ng hindi karaniwang pagbabahagi ng inyong PHI na isinagawa namin. Maaaring gawin ang inyong kahilingan nang hanggang 6 na taon bago ang petsa ng inyong kahilingan. May ilang limitasyon. Halimbawa, wala kaming rekord ng:
      • impormasyong ibinahagi nang may pahintulot ninyo;
      • impormasyong ibinahagi para sa mga layunin ng paggamot sa pangangalagang pangkalusugan, pagsusuri sa bayad para sa mga serbisyong pangkalusugan, o pagpapatakbo sa planong pangkalusugan ng SFHP;
      • impormasyong ibinahagi sa inyo; at
      • iba pang partikular na paghahayag.

    Ano ang maaari kong gawin?

    Maaari ninyong gamitin ang alinman sa inyong mga karapatan sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat sa aming Opisyal sa Pagkapribado sa address na nakasulat sa ibaba. Upang tumulong sa inyong kahilingan, tawagan kami sa numero ng telepono na nakalista rin sa ibaba.

    Paano ako maghahain ng reklamo kung nilabag ang aking mga karapatan sa pagkapribado?

    May karapatan kayong maghain ng reklamo sa aming Opisyal sa Pagkapribado. Dapat ninyong ibigay sa amin ang mga partikular na nakasulat na impormasyon na sumusuporta sa inyong reklamo. Maaari rin kayong maghain ng reklamo sa Kalihim ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao.

    Hindi gagawa ng anumang bagay, sa anumang paraan, laban sa inyo ang SFHP dahil sa paghahain ng reklamo. Ang paghahain ng reklamo ay hindi makakaapekto sa kalidad ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na natatanggap ninyo bilang miyembro ng SFHP .

    Makipag-ugnayan sa SFHP sa:

    San Francisco Health Plan Attn: Privacy Officer
    P.O. Box 194247
    San Francisco, CA 94119-4247

    Secretary of Health and Human Services
    Office for Civil Rights
    Address sa koreo: 200 Independence Avenue SW, Room 509F, HHH Building, Washington, DC 20201