Mga Lokal na Ordinance sa Pangangalagang Pangkalusugan
May dalawang lokal na batas sa pangangalagang pangkalusugan sa San Francisco na inaatasan ang mga employer na magbigay ng insurance sa kalusugan o bayad sa ngalan ng empleyado sa SF City Option. Kasama sa mga batas na ito ang Health Care Security Ordinance (HCSO) at Healthy Airport Ordinance (HAO).
Pakidirekta ang anumang tanong tungkol sa HCSO at HAO, kabilang ang mga tanong tungkol sa pagsunod at sa Taunang Form ng Pag-ulat, sa San Francisco Office of Labor Standards Enforcement (OLSE).
- HCSO: HCSO@sfgov.org o 1(415) 554-7892
- HAO: HCAO@sfgov.org o 1(415) 554-7903
Ang San Francisco Health Care Security Ordinance (HCSO), ay nag-aatas sa Mga Saklaw na Employer na tumugon sa isang Employer Spending Requirement sa pamamagitan ng paggastos sa pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang Mga Saklaw na Empleyado, bukod sa iba pang hinihiling na pag-ulat at pag-abiso. Ang detalyadong impormasyon tungkol sa HCSO ay nasa OLSE website.
Ang Healthy Airport Ordinance (HAO), isang susog sa Health Care Accountability Ordinance, ay nag-aatas sa Mga Saklaw na Employer sa San Francisco International Airport na magbigay sa mga empleyadong saklaw ng Quality Standards Program ng SFO ng pampamilyang insurance sa kalusugan na tumutugon sa mga kinakailangan sa pasunod, nang libre sa empleyado, o na magbayad ng partikular na halaga sa ngalan ng empleyado sa SF City Option. Maaaring piliin ng Mga Employer ang opsyong gagamitin nila sa pagsunod sa HAO. Ang detalyadong impormasyon tungkol sa HAO ay nasa OLSE website.
HCSO | HAO |
---|---|
Kinakailangang bayaran kada quarter | Kinakailangang bayaran kada buwan |
Kinakailangang bayaran sa loob ng 30 araw pagkalipas ng katapusan ng quarter | Kinakailangang bayaran 15 araw pagkalipas ng katapusan ng buwan |
Kwalipikado ang empleyado para sa SF MRA | Kwalipikado ang empleyado para sa SF MRA |
Para sa ESR sumangguni sa website ng HCSO | Para sa halaga ng kontribusyon sumangguni sa website ng HAO |
Ang empleyado ay dapat nagtatrabaho nang higit sa 90 araw at nagtrabaho nang hindi bababa sa 8 oras kada linggo sa karaniwan, para maging isang Saklaw na Empleyado | Maaaring magtrabaho nang kahit ilang oras ang isang empleyado para maging Saklaw na Empleyado |