Magpatala upang Ma-access ang Iyong Mga Pondo sa Pangangalagang Pangkalusugan
I-set Up ang Iyong Account
Ano ang SF City Option?
San Francisco City Option Ang (SF City Option) ay isang benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga manggagawang katulad mo sa Lungsod ng San Francisco at SFO. Idinideposito ng mga employer ang pera sa SF City Option, at magagamit mo ang mga pondong ito para sa pagbabalik ng ibinayad para sa kalusugan at wellness. Ngunit dapat mo munang tapusin ang pag-set up ng iyong San Francisco Medical Reimbursement Account (SF MRA) na sinimulan ng iyong kasalukuyan o dating employer.
Isang Bagong Patakaran ang Nakakaapekto sa Iyong Hindi Aktibong Account
Epektibo noong Marso 1, 2023, naglagay ang Lungsod at County ng San Francisco ng bagong patakaran upang isara ang mga SF MRA account na hindi nagamit sa loob ng tatlong magkakasunod na taon. Kung hindi mo matatapos ang proseso ng pagpapatala bago ang Abril 2026, permanenteng isasara ang iyong account.
Umaksyon Na Ngayon!
I-set up ang iyong SF Medical Reimbursement account (SF MRA) sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Enrollment Form para ma-access ang mga pondo para sa mga gastusin sa kalusugan at kagalingan para sa iyo at sa iyong pamilya.

Ano Ang Mangyayari Pagkatapos Kong Mai-set Up Ang Aking Account?
Makatatanggap ka ng isang SF MRA Welcome Letter, email, at tumawag sa loob ng 1-3 linggo pagkatapos magsumite ng iyong form ng pagpapatala.

Bagong User – Bumabalik na User
Magsumite ng mga claim para sa mga pagbabalik ng ibinayad para sa mga gastusing pangkalusugan at pang-wellness.
Tuklasin ang malawak na hanay ng mga kuwalipikadong gastusing pangkalusugan at pang-wellness.
- Mga premium
- Mga serbisyo sa paningin
- Mga pagsusuri sa laboratoryo
- Mga pansubaybay ng aktibidad
- Mga pagbisita sa doktor
- Pangangalaga ng ngipin
- Tinitimplang gatas para sa sanggol
- At marami pang iba
Mga Madalas na Itanong
San Francisco City Option Ang ay isang benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga empleyado sa Lungsod ng San Francisco at San Francisco International Airport (SFO). Ang mga employer na gumagamit nitong benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan upang sumunod sa Ordinansa sa Seguridad ng Pangangalagang Pangkalusugan, ay idinideposito ang pera sa SF City Option para sa kanilang mga saklaw na empleyado. Para ma-access ang mga pondo, tapusin ang pag-set up ng iyong SF Medical Reimbursement Account (SF MRA) na sinimulan ng iyong kasalukuyan o dating employer sa pamamagitan ng pagpunta sa sfmra.org/enroll.
Simula sa Marso 1, 2023, magkakaroon ang Lungsod at County ng San Francisco ng patakaran para isara ang mga account na hindi nagamit sa loob ng tatlong taon. Kung hindi ka magpapatala bago ang Abril 2026, permanenteng isasara ang account mo.
Ang San Francisco Komisyon sa Kalusugan ay nag-apruba ng patakaran noong Enero 2022 para permanenteng magsara ng mga account ng empleyado na hindi nagamit sa loob ng 3 magkakasunod na taon. Ang anumang pondo sa mga account na iyon ay permanente ring ibabalik sa Lungsod at County ng San Francisco. Ang patakarang ito ay tutugma sa umiiral na batas ng estado (Kodigo ng Pamahalaan 50050).
Ang bagong patakaran ay magkakaroon ng bisa sa Marso 1, 2023. Nangangahulugan itong ang programa ng SF City Option ay magsisimulang sumubaybay ng mga account na walang aktibidad sa loob ng tatlong magkakasunod na taon simula sa Marso 1, 2023 at pagkatapos nito. Ang pinakamaagang panahon kung kailan ang alinmang account ay posibleng permanenteng isara ay sa Abril 2026.
Many people may not remember their employers setting up this account or didn’t receive a welcome kit in the mail. The law says San Francisco and SFO employers must provide a healthcare benefit, so some employers deposit money into SF City Option for workers like you. The account and the money are real, and you can use it for a variety of health and wellness expenses. To access the funds, finish setting up your SF Medical Reimbursement Account that your current or former employer started by going to sfmra.org/enroll.
Simula sa Marso 1, 2023, magkakaroon ang Lungsod at County ng San Francisco ng patakaran para isara ang mga account na hindi nagamit sa loob ng tatlong taon. Kung hindi ka magpapatala bago ang Abril 2026, permanenteng isasara ang account mo.
Dapat mo munang tapusin ang pag-set up ng iyong account sa pamamagitan ng pagpunta sa sfmra.org/enroll. YMakukumpleto ang iyong pagpapatala sa loob ng apat na linggo, at makakatanggap ka ng impormasyon sa koreo, email, at tawag tungkol sa pagsusumite ng mga claim at pagtanggap ng ibinalik na bayad para sa mga kuwalipikadong gastusin na pangkalusugan at pang-wellness. Kung hindi ka makabalita mula sa amin pagkatapos ng apat na linggo ng pag-set up ng iyong account, mag-email sa info@sfcityoption.org.
Simula sa Marso 1, 2023, magkakaroon ang Lungsod at County ng San Francisco ng patakaran para isara ang mga account na hindi nagamit sa loob ng tatlong taon. Kung hindi ka magpapatala bago ang Abril 2026, permanenteng isasara ang account mo.
Una, dapat mo munang tapusin ang pag-set up ng iyong account na sinimulan ng iyong kasalukuyan o dating employer sa lalong madaling panahon. Isasara ng Lungsod ng San Francisco ang mga hindi aktibong account. Maaari mong tapusin ang pag-set up ng iyong SF Medical Reimbursement Account (SF MRA) sa sfmra.org/enroll. Kapag kumpleto na ang iyong pagpapatala, panatilihing aktibo ang iyong account sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga claim para sa kuwalipikadong mga pagbabalik ng ibinayad para sa mga gastusing pangkalusugan at pang-wellness. Mananatiling bukas ang mga aktibong account at mapapalawig bawat taon hanggang ang balanse ng account ay $0.00.
Simula sa Marso 1, 2023, magkakaroon ang Lungsod at County ng San Francisco ng patakaran para isara ang mga account na hindi nagamit sa loob ng tatlong taon. Kung hindi ka magpapatala bago ang Abril 2026, permanenteng isasara ang account mo.
Maaari kang mag-email sa info@sfcityoption.org upang makakuha ng tulong sa pag-set up ng iyong account at matutunan kung magkano ang pera mo para sa mga karapat-dapat na reimbursement sa gastos sa kalusugan at kagalingan. Upang ma-access ang mga pondong ito, dapat mong tapusin ang pag-set up ng iyong account sa madaling panahon. Nanganganib kang mawalan ng mga pondo dahil ang Lungsod ng San Francisco ay magsasara ng mga hindi aktibong account.
Magagamit mo pa rin ang mga pondo. Ngunit dapat kang kumilos at tapusin ang pag-set up ng iyong SF Medical Reimbursement Account (SF MRA) sa sfmra.org/enroll sa lalong madaling panahon, o kung hindi mawawala ang iyong mga pondo. Isasara ng Lungsod ng San Francisco ang mga hindi aktibong account.
Hindi, hindi isasara ang iyong account. Kapag natapos mo na ang pag-set up ng iyong account, dapat kang magsumite ng hindi bababa sa isang claim bawat 3 taon upang maiwasan ang pagsasara ng iyong account.
May mga batas ang Lungsod ng San Francisco/SFO na nag-uutos sa mga employer na magbigay ng benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Nagpasya ang iyong kasalukuyan o dating employer na sumunod sa batas sa pamamagitan ng pagbabayad sa isang SF City Option account para sa iyo. Nariyan ang SF City Option upang tumulong sa mga tao na magbayad ng mga kuwalipikadong gastusin na pangkalusugan at pang-wellness kahit wala kang insurance sa kalusugan.
May napakaraming gastusin na kuwalipikado para sa pagbabalik ng ibinayad hindi lang para sa iyo kundi para sa mga miyembro ng iyong pamilya. Kasama rito ang mga premium sa insurance sa kalusugan, mga pagpapatingin sa doktor, reseta, gastusin para sa ngipin, mga salamin sa mata at contact lens, pagsusuri sa laboratoryo, pagsusuri para sa Covid-19, produktong para sa kalinisan ng kababaihan, at marami pa! Maaaring masorpresa ka sa ilan sa mga kuwalipikadong gastusin! Para sa kumpletong listahan ng kung ano ang kuwalipikado at hindi, mag-click dito.
Kapag natapos ka na sa pag-set up ng iyong SF Medical Reimbursement Account (SF MRA)sa sfmra.org/enroll, makakatanggap ka ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo o email tungkol sa kung paano magsusumite ng mga claim para sa kuwalipikadong pagbabalik ng ibinayad para sa mga gastusing pangkalusugan at pang-wellness. Maaaring gawin ang mga claim online, sa app, sa koreo, o sa fax. Kung hindi ka makabalita mula sa amin pagkatapos ng apat na linggo ng pag-set up ng iyong account, tawagan ang HealthEquity/WageWorks sa 1(866) 697-6078.
Aabutin ng 3-5 araw ng negosyo depende sa kung paano mo isinumite ang claim. Pinoproseso ang mga claim na ginawa online o sa app nang mas mabilis kaysa sa mga ginawa sa koreo o sa fax.
Maaari kang magsumite ng mga gastusin mula sa petsa kung kailan nagsimulang magdeposito sa iyong account ang iyong kasalukuyan o dating employer. Para malaman ang iyong petsa ng pagkabisa, mag-email sa info@sfcityoption.org.
Hindi. Hindi mo maaaring i-cash out o ilipat ang mga pondong ito sa isang HSA o anumang iba pang account sa kalusugan.
Hindi. Dapat mo munang tapusin ang pag-set up ng iyong account sa lalong madaling panahon, at pagkatapos magagamit mo na ang mga pondo para sa mga kuwalipikadong pagbabalik ng ibinayad para sa kalusugan at wellness. Isasara ng Lungsod ng San Francisco ang mga hindi aktibong account, kaya regular na magsumite ng mga claim para mapanatiling aktibo ang iyong account.
Oo. Hindi mo kailangang magkaroon ng mga papeles para ma-access ang mga pondo, at hindi nito naaapektuhan ang iyong status ng imigrasyon. Hindi kami nakakonekta sa ICE o pagpapatupad ng batas sa anumang paraan.
Hindi. Maaaring ibalik ang iyong ibinayad sa pamamagitan ng tseke, na maaari mong ipagpalit ng cash sa isang lugar na nagpapalit ng tseke
Maaari kang mag-email sa amin sa info@sfcityoption.org upang makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa iyong account, iyong mga benepisyo, o sa proseso ng pagpapatala.